Curse 24 - Belong

3.3K 103 82
                                        

warning: medyo maraming mura sa chapter na 'to. May g na g kasi. Sorry xx



Okay ka na?" 

I looked at Chaos and gave him a confused look. "WHAT?!" I asked. "DI KITA MARINIG!"

Hindi ko marinig si Chaos dahil sa lakas ng music na naka-play sa speakers niya. Full blast ata ang volume neto, buti nalang walang nagrereklamong kapitbahay.

We're currently in his condo unit, at nagpa-party kami! I need to celebrate my freedom! Ilang oras din akong pinatahan ni Chaos kanina, but now I'm already giggling like crazy because of the influence of alcohol.

He flashed a grin bago lumapit sakin, he leaned down at nilapit ang mukha niya sa tenga ko. "Are you okay already?"

I bit my lower lip and then laughed. Amoy na amoy ko yung magkahalong alcohol at mint sa hininga niya. I just nodded at him and shouted. "YEAH!"

I took another shot of whiskey bago sumalampak sa sofa katabi niya. Prente lang siyang nakaupo dito at tinitingnan akong magsaya, he's also smiling too but less hyper than me.

"I'm so happy!" 

He nodded. "I can see that." Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at uminom ulit. "After more than three years, finally I'm free. I don't care anymore about him and the girls that he fucks regularly!"

Bahagyang natawa si Chaos sa sinabi ko. Mahina niyang tinapik ang pisngi ko. "Lasing ka na." I just rolled my eyes and waved my hands in front of him. "I don't care!" I giggled.

I circled my arms around his neck at mas lalo pang siniksik ang sarili ko sakanya. "Thank you so much, Chaooooos! You're the beeeest! Bester! Bestest!" 

Humalakhak naman si Chaos, ang lakas tumawa. "Lasing ka na talaga."

Umiling naman ako. Sinong lasing? Ako?! My god, no! I'm still conscious.

"I'm not." I pouted.

"You are." he teased.

I just stuck my tongue out and continued drinking whatever's left in my cup. 

It's been five hours already after I broke up with Skye, masaya palang maging malaya. I'm kinda sad because I realized how much of an idiot I was to love him and disappointed because of him cheating on me. But other than that, it felt good! Wala nang mabigat akong nararamdaman bukod sa kaunting hilo dahil sa dami nang nainom ko. 

Kani-kanina pa kami nagsimulang uminom ni Chaos. Mga dalawang oras yung iniyak ko bago ako nakapagdesisyon na uminom na. Ito namang lalaking 'to ay mukhang pinagbibigyan ako, wala nang angal-angal eh. Binilhan agad ako ng maiinom.

Pareho lang kaming tahimik na nakaupo sa sofa niya at nakatitig sa malaking bintana niyang tanaw ang buong syudad. Nakasandal parin ako sakanya at niyayakap ang sariling mga tuhod. I looked at him, nakapikit na siya ngayon at bahagyang hinihilot ang noo niya. 

Tinamaan na rin ata 'tong lalaking 'to.

Tiningnan ko yung magkatabi naming cellphone sa coffee table, lowbatt na yung akin kaya kinuha ko yung sakanya at nagsimulang mag-selfie.

Shit. Nagmahal, nasaktan, nag-selfie na ba ang abot ko?! Tangina!

"Hey." malat na yung boses ni Chaos, tiningnan ko siya saglit pero ngumiti ulit sa harap ng camera. Tumawa naman siya. "Ano?"

"Nothing." sagot niya. Sinandal nalang niya yung ulo niya sa ulo ko at mukhang mana-knock out na.

"Weak ka naman, Chaos eh." hinampas ko yung tiyan na dahilan para umayos siya ng upo. "Shit Serenity, kailangan bang pati ako malasing?"

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon