Curse 18 - Need

2.9K 100 17
                                        

"Hello girls. Welcome to Zeta Theta Nu!" Pres' lively voice filled our living room.

Lahat kami ngayon ay nandito para sa pagpili ng mga possible candidates as pledges for Zeta Theta Nu, all sororities are preparing for this day.

Lahat kami ay nagpapa-impress sa mga candidates; all of us are focused on girls that'll suit our standards.

"Remember the days when we were just like them?" I looked at Amber, she seems like she was filled with nostalgia while holding pamphlets.

I chuckles. "Yeah right. How can I forget the day that I was stucked with a very FC Cebuana." I joked habang naaalala ko yung unang pagtatagpo namin ng babaeng 'to.

Isang hampas ang binigay niya sakin. "Grabe siya oh. Ako na nga lang yung lumalapit sayo nun kasi nakakatakot yung aura mo. Napaka-bitch!"

"'Hi I'm Amber Veronica Ross, ang init no? You wanna grab some ice cream with me after this?'"

Kinurot ni Amber yung tagiliran ko matapos kong gayahin yung pagpapakilala niya sakin dati. Nawi-weirduhan talaga ako sakanya nun pero dahil bored ako ay sumama ako sakanya.

Who could have thought na magiging bestfriends kami?

"Ren, busy ka ba after this?" Papaakyat na sana ako sa room ko matapos umalis nung mga candidates papuntang Kappa nang tinawag ako ni Pres.

"Hmmm?" I faced her. "No, why?"

"Kasi may event pa kasi after matapos ng candidates na ikutin yung lahat ng candidates. May socialization, as much as possible I want all the Zeta girls to be there."

I sighed. Medyo tinatamad ako, nag-text sakin kanina si Daxton. Closed daw today ang PDN kasi silang tatlo talaga ang aalis papuntang Boracay. It has something to do about their gaming stuff. Ngayon nalang sana ako makakapagpahinga pero mukhang malayong mangyari 'yon.

I nodded. "Okay. Just call me, nasa kwarto lang ako."

"Yay! Thank you Ren!"

"Sure."

Dali-dali na akong umakyat papuntang kwarto ko, my eyes immediately went to the paper bag sitting neatly on my bed.

Kahapon lang dumating si Skye from Palawan, and guess what? Kahapon din dumating si Sierra! Anak ng meant to be right?!

I rolled my eyes habang hinihigaan ang kama ko. I played with the unopened paper bag beside me.

"Buti naalala pa ako." I chuckled bitterly.

Hindi niya 'to hinatid sakin, hindi ko pa nga siya nakikita. He only texted me saying he's back. Siyempre kailangan kong tawagan siya to act as THE girlfriend. We talked pero saglit lang, sabi niya pagod siya. Then pagkauwi ko nalang after work, andito na ang paper bag.

Nakatunganga lang ako sa kisame masyado ata akong napagod sa pagfe-fake ng ka-hyperan kanina nung andito pa yung mga candidates.

I wonder kung may kagaya ba ako sakanila?

May kagaya din ba sakin na nagmamanap ng tahanan na malayo sa pamilya?

May kagaya din ba sakin na naghahanap ng pagmamahal sa ibang lugar?

I was disturbed by a phone call. Agad ko 'yong sinagot nang hindi tinitingnan ang caller id.

"Hello?"

"Hey."

I groaned when I heard his voice, I have to check the caller id kung siya ba talaga 'to. Confirmed.

"Grabe Chaos." Kinamot ko yung pisngi ko. "Pati ba naman day off ko, kailangan mo talagang umeksena?"

I heard him chuckle. "Sorry to disturb you ma'am but this is very important."

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon