Curse 37 - Call

3.6K 117 11
                                    


"Are you sure that you're gonna be okay here?" Tiningnan ko si Amber na nag-aayos ng mga gamit ko sa kusina ng nakuha kong studio apartment.

Tumango ako. "Oo naman. Saglit lang naman ako dito eh..." I sighed.

Umupo si Amber sa tabi ko at saka inakbayan. "Ren, sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

Nag-aalala ang tingin ni Amber sakin. Siyempre alam na din niya na magpapakasal kami ni Chaos, because that is what our family wants. Sumimangot nalang ako at nagpatuloy sa pagkain ng chocolate. "Wag mo nang itanong sakin yan, di ko rin alam yung sagot..."

"Ren..." niyakap niya ako. "Always remember na nasayo ang desisyon, okay? No one is forcing you to do things."

I closed my eyes. Wala ngang pumipilit pero ikamamatay ko naman kung wala akong pipiliin.

How can I stop all the pain? Paano ba mabuhay nang walang nasasaktan? Ni minsan, di ko kasi naranasan yun eh.


I'm currently meeting with the Castillos again, this time in a restaurant. Paguusapan namin ang incoming engagement party namin ni Chaos. Wow right? After four months, nakahanap na ako ng mapapangasawa. You can never really expect what's in store for you in the future. Four months ago iniisip ko na baka four months after ay nagpapakalasing ako sa isang bar, having the time of my life. But here I am, pregnant and getting married.

"Annelize and I talked yesterday, nasa Macau daw sila ngayon?" Said Tita Aleena. Yes tita, yan ang gusto niyang itawag ko sakanya.

"Opo but after nung trip na yun, di muna sila mag-a-out of the country."

Siguro ay atat na atat na si Annelize na ipakasal ako kay Chaos. Masyado na siyang hands on sa pagpa-plano eh. As if she's the one getting married.

"Hmmm.. so may nakausap na kaming wedding organizers, they are asking for the theme of your engagement party." Tiningnan ko si Chaos. "We have a theme?"
I heard tita Aleena and tito Nathan chuckled. "Yes." I looked at tito Nathan, na himala ay nagsalita na. "Masyadong natutuwa kasi si Aleena pag themed yung party... bata yan eh." Biro pa niya.

Natawa tuloy ako lalo na nung hinampas ni tita si tito sa braso. How I wish na ganito din sina dad at mom, kaso wala na si mom eh at may asawa na rin si dad.

"Ikaw? Anong theme ang gusto mo?" I looked at Chaos. Tila nag-iisip din siya kasi natahimik siya. "I don't have any idea. Ikaw? Ano bang gusto mo?"

Ano nga ba ang gusto ko?

"I don't know." I murmured. "Tita..." I called his mom. "Yes dear?"

"Can we talk with the organizer about the theme? Wala kasi talaga kaming maisip eh." I chuckled.

Tumawa naman si tita at nginitian ako. "Of course, dear." She smiled and looked at Chaos. "And I believe that you Nathaniel, will also help Ren in planning. Okay? Baka hayaan mo lang si Ren na mag-isa sa pagp-plano." She reminded her son.

I felt the hollow hole inside my stomach when tita mentioned about planning. Ito yung pinag-aawayan namin ni Chaos. Ang pagp-plano para sa anak namin.

"Don't worry, mom." He assured her.

After dumating ng inorder namin ay sina tita at tito na ang naguusap. Siguro ay tungkol sa business nila. Masyadong mababait ang mga magulang ni Chaos, hindi nila ako hinusgahan, they treated me like their own. Hindi nga sila nag-iinarte sa mga dinedemand ni Annelize kagaya nalang na isang Vera Wang gown ang isusuot ko.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon