Hindi ko parin siya magawang tingnan. Gusto ko mang itanong sakanya kung okay lang ba siya ay mas nananaig yung takot para sakin. Is he mad? Frustrated? What? Is he disappointed because the girl that he fucked with is not his girlfriend?
God! Ano ba 'tong iniisip ko?! Erase Ren, erase!
Huminga ako ng malalim habang tinitingnan siyang kumain ng breakfast, I am still in the right mind to offer a very weary man breakfast. Nasa dining area kaming dalawa ngayon at kami lang ang naiwan, pinaalis ko muna yung mga kasambahay.
"Why aren't you eating?" Agad akong napatingin sa mukha niya nang nagsalita siya pero agad ko din namang binaling ang atensyon sa hindi ko pa nagagalaw na agahan. "Ahhh.." agad na akong nagsimulang kumain.
Ang awkward. Napaka-awkward! Ang dami kong gustong itanong at sabihin sakanya pero walang lumalabas sa bibig ko, ramdam na ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. Kinakabahan ako para saming dalawa sa hindi malaman na dahilan.
"About last night..." agad akong napatigil sa pagnguya.
Oh my god! Ayan na, he's already opening it up! Tiningnan ko siya, my eyes are having a difficult time in focusing on him. "Yeah..." I said in a small voice, I bit my lower lip.
"I'm... I'm sorry. We're both drunk but I should have-"
"No, I'm also sorry. Kasalanan ko din." Sinabi ko na yun bago pa niya akuin ang lahat ng sisi. We both did it, we both made the same mistake.
I took a deep breath and looked at him. Hindi na siya kumakain at nakatingin nalang din sakin. His expression is so blank that I can't read it and its making me nervous. "I really wanna know what's in your mind." he said. Hindi ko alam kung sinasabi niya ba yun sakin o dapat ay nasa isip niya lang yun.
Yumuko nalang ako at nagpatuloy nalang sa pagkain. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, wala na rin naman kaming magagawa dahil tapos na pero hindi ko parin maisip na talagang ginawa namin yun. Ang daming mga scenarios ang naglalaro at tumatakbo sa isipan ko, napakaraming pwedeng mangyari pagkatapos ng ginawa namin, and all I know is that it'll end up the same... it'll surely change our lives.
"I'm okay." I said, trying my best not to choke. "Kalimutan mo na yun." pahabol ko pa.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos he just nodded and looked away, he resumed eating and I can tell that something is bothering him, something that I know is very familiar with what I am thinking now.
Natapos nalang kami ng pagkain ng hindi naguusap, ngayon ay nasa foyer na kami at nagpapaalam na si Chaos dahil uuwi na raw siya, mukhang ayaw niya pa ngang umalis dahil siguro sinisigurado pa niya kung magiging okay lang ba ako at siyempre hindi ko pinahalata sakanya na hindi ako okay.
"Are you sure that you're really okay?" Pagod na pagod ang boses niya.
Tinanguan ko lang naman siya. "Yes." I smiled a bit. He looks hesitant but still nods. "Hindi ka galit sakin?" pahabol niya.
Ilang beses ko na yang iniisip kanina at ilang beses ko na ring nasagot yan, pareho namin yung ginawa. Hindi man namin ginusto pero pareho parin namin yung ginawa. Wala akong dapat ikagalit. "Hindi." I smiled.
Binuksan na niya ang pinto ng bahay namin, pero bago pa man siya makalabas ay nilingon na naman niya ako ulit.
"Are you gonna leave and hide from me after this?"
For the first time, I saw Cassander Nathaniel Castillo asked a question desperately as if he's a lost little boy without any idea where he's heading to.
BINABASA MO ANG
Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)
RomanceCastillo Series: III - Serenity's Curse to Chaos "We started as a mistake but that doesn't mean that we'll end up as a mistake."
