Curse 20 - Pillow

3.2K 93 49
                                        

"Make sure na dala mo na yung mga kailangan mo, baka pagd-"

"Yeah. Yeah. Okay na lahat, can you atleast chill?" I rolled my eyes at him, mukhang tanga din 'tong si Chaos habang nag-iimpake eh.

"How can I chill? Mabuti sana kung ikaw yung maaabala pag may naiwan ka?"

Humagalpak sa pagtawa si Amber na nakatambay dito sa kwarto ko habang pinapanood akong mag-impake. Dahil sa inis ko ay inabot ko yung unan ko at hinagis sa direksyon niya.

"Grabe naman." Inabot ko yung ipad ko at nilapit sakin yung screen. "Joke lang King Chaos, eto naman ang init-init ng ulo."

Tiningnan niya lang ako saglit at nagpatuloy na sa pag-iimpake.

Bukas na kasi yung napagusapan naming lakad. At dahil pareho kaming may sayad ay sinagad na namin ang kadramahan kong pagpapakalayo. Sa probinsya kami ng kakilala ni Chaos pupunta, nakapunta na daw siya dun and he assured me na magugustuhan ko ang lugar na yun.

At first ay hindi pa sana ako na-convince niya pero nang sinabi niyang walking distance lang yun sa tabing-dagat, it made the case closed.

I'm quite a sucker for beaches.
Siguro kaya naging kami ni Skye dahil pareho naming gusto yun, ang kaibahan nga lang ay iba ang spelling ng gusto niyang beach.

"You better sleep early, Serenity. Maaga tayo bukas."

I waved my hand at the screen. "Yeah yeah... sige na, bye."

He chuckled a bit while nodding.

"Okay goodnight."

"Night."

Hindi ko na pinansin ang video call at hinayaan na siya na mismo ang mag-end.
Nang wala na si Chaos, nagkatinginan kami ni Amber.

Hindi ko gusto yung tingin niya, may halong pangaasar pa. Bago paman siya magsalita ay inunahan ko na siya. "What?"

She laughed at me saka ako nilapitan. "Di mo naman sinabi sakin na si Sander Castillo pala yang boss mo..."

I gave her a look. "Oh ano ngayon kung siya nga?" I closed my bag. "Alam mo, I really wonder what is so great about that guy na parang di kayo naniniwalang magkakilala kami. Nakakainsulto na kayo ha!" I pouted.

"Paano ba naman kasi Ren, he's The King Chaos... tapos ikaw..." tiningnan niya ako from head to toe.

Bago pa siya makapag-salita ay sinipa ko na siya. Nakaka-bingo na sakin 'tong babaeng 'to. "Pasalamat ka kaibigan kita."

She chuckled at saka niyakap ako. "Joke lang, Ren. I love you."

I just rolled my eyes at her.

***

"Magseselos na 'tong baby ni Chaos sayo Ren ha, parati mo nalang inaagaw." Hinihimas-himas pa ni Dax ang signage ng PDN habang binibigyan ako ng masamang tingin.

I just rolled my eyes at him.

"Basta dude, I already called Uncle Tony. Ready na yung bahay." Ani ni Zeke habang chinecheck ang phone niya.

Di naman kasi sinabi ni Chaos sakin na sa probinsya pala nina Zeke kami pupunta. Sinong mag-aakalang may probinsya si hilaw dito.

"Okay bro. Thanks." Tinapik ni Chaos ang balikat ni hilaw.

"Take care, you two." Inakbayan naman ni Dax si Zeke at sinalute'an kami. "Ingat kayo, kami bahala dito."

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon