Curse 10 - Too Quiet

2.6K 79 2
                                        

Ren's

Napahikab nalang ako at ramdam na ramdam parin ang antok kahit na tanghaling tapat na. Pagulong-gulong lang ako dito sa kama ko nang biglang may kung sinong istorbo ang halos gibain na ang pinto ng kwarto ko sa kakakatok.

"Sino naman 'tong walang manners?!" Padabog akong tumayo at pinagbuksan ng pinto ang walang respetong nilalang na 'to.

At tama nga akong si Sierra ang sumalubong sakin. "What do you want?" I rolled my eyes at her.

Tiningnan niya lang ako saka inirapan. "Here." May kinuha siya sa dala-dala niyang duffle bag, yun pala ay isang shirt at hinagisan ako sa mukha.

"What the fuck Jones?!" Sigaw ko sakanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "What are you gonna do Sah?" Nangaasar pa ang ngisi niya sakin.

Dahil sadyang mainitin ang ulo ko lalo na't sumabay pa sa red ko 'tong kagagahan ng babaeng 'to.

"Watch me do this!" Sigaw ko saka agad na hinila ang buhok niya. "Matagal na akong nagtitimpi sayo ha?!"

Agad namang tumili si Sierra, hinablot niya rin ang buhok ko at saka pinaghihila din. Tangina, matatanggal na ata sa anit ko 'tong buhok ko.

Panay lang ang murahan at pisikalan namin dito ni Sierra, hindi nagtagal ay nagsilapitan na yung mga girls at agad na pinaglayo kami. Hawak-hawak pa ni Amber ang bewang ko pero nagpupumilit parin akong masipa si Sierra na gusto din akong atakihin.

"What the fuck is wrong with you ladies?!" Agad na pumagitna ang president namin at matalim na tingin ang binato saming dalawa.

"I don't know what's wrong with that girl. She's crazy!" Dinuduro-duro pa ako ni Sierra na 'to.

Inirapan ko lang siya. I don't have to reason out and defend myself for other's sympathy.

Dahil mukhang nabadtrip namin si Pres ay pinatawag niya kami sa baba para maayos daw ang kung anong gusot ang namamagitan samin. Pft. As if maaayos pa namin 'to.

Hindi ko talaga alam kung san nagmula tong away namin ni Sierra basta ang alam ko lang ay nagsimula sa bad impression, pasimpleng panlalait, hanggang sa lumala at lumala na.


"Worst day ever." Inayos ko ang pagkapusod ng buhok ko habang umiirap sa kawalan nang pumasok ako sa kwarto ko.

Nakita ko naman si Amber na punong-puno ng pag-aalala na sinalubong ako. "Oh kamusta? Anong sabi ni Pres?"

Napangiwi ako. "We'll both be mascots for our booth this summerfest next week. Fuck." Mura ko.

Tila nagpipigil naman ng tawa si Amber. Kaya hinagisan ko siya ng unan ko. "Di ko talaga alam kung kaibigan ka o ano!"

At talagang di na niya mapigilan ang tawa niya. "Sorry naman. I just can't imagine the both of you wearing that costume. Tirik na tirik pa naman yung araw kasi summer."

I groaned. Ang malas-malas.

Traditionally ay magbubunutan kami para kanina mapupunta yung mascot this year pero dahil napainit ata namin ang ulo ni Pres ay ito... kung minamalas nga naman!

"Wag mo nang ipaalala baka makalimutan kong bestfriend kita at magaya ka pa sa Sierra na yun." Inirapan ko si Amber na may halong pagbabanta.

Nginisihan niya lang ako. "Ang harsh beh."


Medyo late akong pumasok sa Pandemonium ngayon dahil tinanghali na naman ako ng gising. Nagtawagan kasi kami kagabi ni Skye, namimiss ko na kasi siya.

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon