Curse 6 - Drunk

3.3K 71 7
                                    

Hello guys! I had fun reading your feedbacks about Curse 5. Lalo na kay Ate Elle! Hahahahaha. #TeamOhEdiIloveYou

Ren's

Today is Sunday and supposedly ay uuwi ako kina dad para sa birthday ng ate ko. But whatever, she never wants me to a part of that celebration so why bother, right? As much as I wanna spend time with Greg ay binalewala ko nalang. Rev will be furious and baka masira ko lang ang party.

Dagdag rason lang para kamuhian nila ako. No thank you.

That's why I decided to go to church all by myself. Aba kahit naman siguro ganito ako, I still believe in God and I am faithful to Him no matter what.

Mag isa lang ako today kasi Amber is not a Catholic, so sa church niya rin siya nagsisimba though minsan ay naiimbitahan niya ako sa mga activities din nila sa church nila.

We're quite angels. Don't you think? Hahahahaha.

Palinga-linga ako sa paligid habang nagho-homily si Father. Nadi-distract kasi ako sa batang kalabit nang kalabit sakin dito sa gilid ko kaya pasimple kong sinuyod ang mga taong nakikita ko.

Seated on two pews infront of where I am sitting is a very familiar figure.

Broad shoulders, fair skin tone, chocolate brown messy hair, and a piercing on his left ear.

"Chaos." I murmured dahilan para mapatingin sakin ang batang katabi ko.

"Eyos?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka habang pilit na inuulit yung sinabi ko. I raised an eyebrow, chismosang bata. Hahahahaha.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pakikinig sa homily ni Father.

Nang magp-peace be with you na ay nilingon ko agad yung batang babae na katabi ko. Baka kasi isipin nito na snobber ako. Hahahahaha.

Tiningnan ko si Chaos na malamang ay kasama ang pamilya niya at laking gulat ko nang paglingon niya ay kasabay nun ang paglingon ng isa pang Chaos?

Ang isang Chaos na nauna kong napansin ay nakakunot ang noo nang magtama ang mga tingin namin pero agad din namang nabaling ang atensyon ko sa isa pang Chaos na hindi nakatingin sakin at parang tipid na nginitian ang mga taong nasa likod niya.

Hindi naman ako tanga para hindi marealize na kakambal yun ni Chaos. Nagulat lang talaga ako kasi di ko inasahang may kakambal pala ang kurimaw na yun.

Kitang-kita ko na agad ang difference nila between Chaos number one and Chaos number two. Si number one ay well... badass manamit, I mean look at him fitted black pants, black longsleeves na polo, at ang ngayon ay silver na earring niya. But despite of his badass looks ay naiintimidate ka sakanya because sa tindig palang ay mukhang suplado at pormal na lalaki siya. Unlike this other Chaos na kita mo naman, kahit mukhang pilit ay ngumiti siya. Means, madali siyang pakisamahan kahit na medyo casual siya with his grey polo shirt at maong pants.

Natapos na ang mass at medyo kinakabahan ako kasi alam ni Chaos na andito ako baka pagtripan na naman ako neto. Alam kong kahit na kakatapos lang naming magsimba pero walang pinipiling panahon yang si Chaos.

Kaya dali-dali na akong naglakad palabas para maiwasan siya kaso tingin ko ay huli na ang lahat kasi may kamay akong naramdaman na humawak sa braso ko.

"Peace be with you, darling." Behold Chaos' deep and teasing voice.

Nilingon ko siya at kitang-kita ko ang ngiting aso niya. Hinampas ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Ano na naman ba? Jusko magpahinga ka." Iritado kong tugon.

Tumawa lang naman siya. "You alone?"

Tiningnan ko ang magkabilang gilid ko na tila may hinahanap saka hinarap siya. "May nakikita ka bang di ko nakikita?"

Serenity's Curse to Chaos (KN - Castillo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon