Prologue

27.9K 378 10
                                    

Warning: This story contains a lot of grammatical errors. 

Date Started: May 29, 2016

Date Finished: January 2, 2021 (Almost 5 years in the making! Haha)



PLEASE BE MINE


Prologue:


"Ma'am, mauna na po ako. May gagawin pa po kasi ako. Don't worry po dahil naayos ko na ang mga kailangan kong ayusin. Naarrange ko na po ang mga libro at nagwalis na rin po ako dito sa office niyo kanina. Na-arrange ko na rin po kanina yung almost 100 library cards alphabetically" sabi ko sa aming librarian.

"Ikaw talagang bata ka. Sige na. Basta bumalik ka dito bukas pag duty mo" sabi sakin ni Ma'am Perez, ang aming librarian.

"Thank you ma'am! Aagahan ko bukas.Promise!" kinuha ko na ang bag ko at dali-daling lumabas sa aming University Library. Nagtatrabaho kasi ako as Student Asisstant at doon ako na-assign. Mula second floor ng building ay tinakbo ko hanggang sa makarating ako sa kabilang campus. HIngal na hingal ako nang dumating ako doon.

"There you are ate Ged!" bati sa akin nung ilan.

"Late ba ako?" tanong ko sa kanila.

"Nope. You're just in time. Magpalit ka na doon sa dressing room nitong damit. Yung partner mo nga wala pa" inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok ng dressing room. Sinuot ko yung color white na Sunday dress na susuotin ko for photoshoot.

Nakiusap kasi sa akin yung mga kakilala kong Communication Students na kung pwede ay gawin akong model sa isang photoshoot nila. Pumayag naman ako lalo na't nangako silang babayaran nila ako.

Lumabas ako ng dressing room at sinimulan nilang ayusan ako at ang buhok ko. Light make up lang dahil parang innocent yata ang theme ng photoshoot. May partner din pala ako pero di ko siya kilala.

"Kuya sige na please! Wala na kaming oras pa para maghanap ng iba! Sige na! Isusumbong kita kay mama!" narinig kong sigaw sa labas.

"Ano yun?" tanong ko.

"Yung kapartner mo kasi hindi pala available ngayon.Yung 1st year student na staff naming is Kristina pinapakiusapan yung pinsan niya kung pwede siya na lang pumalit. Bagay rin kasi siya sa concept namin. Dapat kasi matapos na itong photoshoot ngayon kasi the day after tomorrow na ang deadline at ipapasa pa namin yung pictures para sa sasalihan naming contest" tumango na lang ako. Nakilala ko yung ibang Comm Students dahil madalas silang nasa library habang may duty ako at saka alam nilang nagsa-sideline ako sa modelling kaya siguro ako na lang kinuha nila para dito.

"Pumayag ang pinsan ko!" sigaw nung babaeng pumasok sa dressing room namin. Lumapit siya sa akin at kinausap ako.

"Ikaw yung model naming babae right?" tiningnan ako from top to toe na para akong isang specimen.

"Mukha namang may chemistry kayo kaya okay na" bumaling siya sa mga kasamahan niya. "Nasa kabilang dressing room na ang kuya ko. Pinapalit ko na. Aayaw ayaw pa nung una, first time yata kasi sumali sa ganitong photoshoot" tumango na lang lahat including me.

Pagkatapos akong ayusan ay lumabas na kami. Linagyan din nila ako ng flowers sa ulo. Sa may campus garden lang naman ang photoshoot namin.

"Anong klaseng damit to?" lumingon ako at nakita ko ang lalaking nakabusangot ang mukha pero di mo mapagkakailang gwapo.

"Kuya Gab" saway sa kanya nung Kristina. May binulong ito at maya'maya'y nanahimik na lang yung lalaki.

"Okay let's start" sigaw nung photographer.

Kinuhanan kami individually kaya naging maayos naman yung flow nung photoshoot pero nang magsimula ang couple shoot kuno daw ay medyo hindi ko na magawa ng maayos ang pinapagawa sa akin dahil nakakadistract kasama ang lalaking nagngangalang Gabriel.

Ang mas nakaka-awkward ay yung position namin na ang lapit-lapit namin sa isa't isa, yung tipong malapit na kaming mag kiss tapos dapat eye to eye contact pa. Naka-ilang take rin kami nun. Halata ring naiirita na ang partner ko sa dami ng pinapagawa.

Naisipan nung team na mag 15 minutes break muna para makapag snack at makapagpahinga muna.

"What's your name?" tanong sakin nung partner ko.

"Ged" I answered him.

"Nice name" yun lang nag naging conversation namin. Wala namang dapat pag-usapan pa kasi hindi naman kami magkakilala. After nung break kinausap ako nung team leader at nag orient siya kung anong gagawin sa next shoot. Ibang theme naman. Parang naging fierece naman yung concept. Ako na lang daw magdadala nung concept dahil mukhang hopeless na dun sa kapartner ko. Bahala na raw ako.

"Try mo iseduce yung partner mo para natural ang reactions niya. And also, para maganda, magpakita ka ng kaunting cleavage" ang evil talaga nung beki leader nila pero sinunod ko na lang siya. Sanay na rin naman ako sa ganitong mga shoot. "Ang hot nung pinsan ni Kristina. Iseduce mo lang kunwari, bibigay iyon. I can't wait to see his reaction" and then he grinned. Loko talaga itong baklang to. Medyo ka-close ko rin kasi ito.

Nag magstart ulit ang photo shoot, inalis ko na ang hiya ko. Sayang naman kasi kung babayaran nila ako tapos hindi ko gagawin ang pinapagawa nila. Kapag sinabi nung photographer na yakapin patalikod ang partner ko, yayakapin ko. Pag sinabing umupo ako sa lap niya, uupo ako. At kung ano pang nakakahiyang posisyon ang pinagawa sa amin, ginawa ko kahit nakakahiya.

Nung natapos ang photoshoot, agad akong nagbihis at umalis sa lugar na iyon. Di ko kayang tingnan sa mata yung kapartner ko sa dami ng awkward positions namin kanina. Pati yung mga tinging binigay ko sa kanya. My god!

Naglalakad ako sa may tabi ng kalsada nang biglang umulan. Nakakainis! Wala pa naman akong payong!

Napansin ko na lang na parang hindi ako nabasa. Pagtingin ko sa gilid ko ay nakita ko iyong partner ko kanina sa photoshoot na pinapayungan ako.

"Nababasa ka" sabi niya habang mataman na nakatingin sa akin.

"A-ayos lang naman"

"Hatid na kita" offer niya.

"Huwag na. Ayos lang ako."

"I insist"

"A-ah sige, kahit hanggang doon lang" turo ko sa malapit na paradahan. Nakakahiya naman pero nga-offer na siya at okay na iyon lalo na't wala na akong payong.

"Okay" sabay kaming nalakad at pareho lang kaming tahimik. Maya-maya'y naramdaman ko na lang na inakbayan niya ako.

"A-ano—"

"Ssshh"

"Huh?" inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin kaso mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ano ba!" nilakasan ko ang boses ko pero parang hindi niya ako narinig. Bumilis ang lakad niya at dahil sa mahigpit na pagkakakapit sa akin ay napasabay ako sa kanya.

Pagdating sa paradahan ay saka niya inalis ang pagkakahawak sa akin. I won't let him get away. Hinawakan ko ang braso niya, susuntukin ko sana nang matalisod ako at dahil hawak ko ang braso niya ay napasabay siya sa pagkakahulog ko.

"Aray!" tumama iyong likod ko sa semento habang itong lalaking ito ay nasa ibabaw ko. The worst part is...

"AAAHHHH!" iyong isang kamay niya ay nakahawak lang naman sa boobs ko!

"Sorry!" agad siyang napatayo at lumayo sa akin. Ako naman ay lumapit sa kanya at sinampal siya ng malakas!

"Pervert! Rapist! Salot ka sa lipunan! Kung naghahanap ka ng babae, huwag ako!" sinipa ko ang junior niya at tumakbo ako palayo para hindi niya maabutan.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon