Chapter 48
Hindi ako makapagsalita dahil sa mga nangyari kanina. Masyado pa ring gulat ang sistema ko dala no'ng nangyaring bidding kanina.
Nakita ko si Gab na papalabas ng museum. He looked at me bago tuluyang naglakad palabas. I wanted to ask him kung aanhin niya iyong pagkamahal-mahal na painting. At saan niya naman iyon idi-display? Hindi ba magseselos ang fiancé niya?
Natapos na ang auction and I'm pretty sure na malaking pera ang nakuha ng charity. At hindi rin ako masyadong maka-move on sa nangyari. The painting was sold for ten million. Sampung milyon! Nahihibang na ba sila't kailangan pang gumastos ng malaki?
I don't even know why Hazel dared to name the painting with Gabriel's name. Iyon din ata ang reason kung bakit mas uminit ang ulo ni Jerome.
Busy pa si Jerome makipag-usap sa mga kakilala habang ako naman ay hindi rin makaalis dahil marami ang nagre-request na magpa-picture kaya lahat sila ay pinagbigyan ko.
Nang wala na ang mga nagpa-picture ay si Hazel naman ang lumapit sa akin.
"Gertrude! Thank you for coming! Sabi na eh, yung painting ko ang pinakamahal na mabebenta at dahil iyon sa'yo!" what should I say? You're welcome? Hindi nga ako natutuwa na si Gab ang nakabili ng painting niya.
"Sayang, hindi ko nakuha"
"May digital copy ako noon, i-send ko na lang sa'yo through e-mail. Buti na lang pala at tinago ko iyong painting mo. Who would have thought that it will cost a fortune someday" excited niyang sabi. As much as I want to celebrate with her ay hindi ko magawa dahil wala akong gana.
"Yung name nung painting..." banggit ko rito.
"Ah! Nagka-idea ako sa pangalan noong sumulpot si Gab doon sa art class at galit na galit sa'yo. I realized that you are indeed Gabriel's angel... during that time." She told me. Hindi ko naman alam ang ire-react ko. "Alam ba ni Jerome 'yong tungkol sa past niyo?" tanong niya sa akin.
Unti-unti akong tumango.
"OMG!" napasinghap siya. "I didn't know. Buti na lang kanina nang may nagtanong saking journalist, sinabi ko na lang na I imagine you as one of St. Gabriel Archangel's angel" napailing na lang ako.
"But...I'm more curious kung bakit gumasta si Gab ng ten million sa painting with your face as the subject" ayan na nga ba ang sinasabi ko. Alam kong uusisain niya ako kahit ang totoo'y hindi ko alam.
I shrugged my shoulders.
"Maybe he's bored? I don't know..."
"Oh please Gertrude! I didn't know that you're that dense. He's obviously still in love with you" I rolled my eyes.
"Cut that idea Hazel" imposible iyang sinasabi niya!
Kahit na ilang beses niyang sinabi sa akin na mahal niya ako no'ng gabing iyon, it will never change the fact that he's engaged!
He's freaking engaged! At ano itong ginagawa niya? Bakit kailangan niyang bilhin sa malaking halaga ang painting ng ex-girlfriend niya?
May kung ano pang sinasabi si Hazel nang biglang may humigit sa braso ko.
"We're going home" narinig kong sabi ni Jerome sa tabi ko. May sasabihin pa sana ako kay Hazel nang hinila na niya ako palabas.
"That was rude Jerome! Ni hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay Hazel!" I said to him bago ako pumasok sa kotse niya.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
Ficção GeralGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)