Chapter 30
"Gab.. I need to go" bulong ko sa kanya. Naalimpungatang bumangon ito sa kama ko. Kagigising pa lang niya pero ako ay kanina pa nakaayos.
"Sasamahan na kita" he said in husky voice. Ang gwapo ng boses niya.
"No need. Matulog ka na lang ulit. Puyat ka pa oh! I'll be back early. Kailangan natin ng beauty rest for tomorrow. Sleep ka na ulit" I kissed his forehead. Bumalik siya sa pagtulog niya at ako naman ay umalis na.
Yes, I decided to give Gabriel a chance. May doubts man nung una ay napagdesisyunan kong bigyan siya ng una at huling pagkakataon. Hindi niya naman ako binigo, everyday ay binibigyan niya ako ng flowers at kung anu-ano pang pagkain kahit hindi naman kailangan. He always told me how sorry he is.
Hinahatid sundo niya naman ako maging sa mga taping ko. Hindi na rin siya nagpapakita ng selos everytime na may kung anong intimate scene sa amin ni Jerome. Wala naman daw iyon sa kanya, ang importante ay siya ang kasama ko every night.
Hindi ko naman masabing magka-live in kami pero halos dalawang lingo na ring sa bahay ko natutulog si Gab. Sa gabi ay magkasama kami pero umuuwi rin siya sa kanila pagkagising niya ng umaga.
Sa iisang kama rin kami natutulog pero ni minsan ay wala pang nangyari sa amin. Intimate man kami minsan pero we make sure na walang mangyayari. He respects me so much at dahil doon mas tumaas ang respeto ko sa kanya.
Pumara ako ng taxi at pumunta sa bahay ng pamilya ni Papa. Kailangan kong makausap si Alice. Ayaw ko man sa kanya ay kailangan pa rin naming pag-usapan ang tungkol sa iilang negosyo ni Papa. May terms and conditions akong gustong i-offer.
Pagdating ko sa harap ng bahay nila ay agad kong napansin ang mga mahahabang damo sa yard nil ana mukhang hindi na nagugupitan.
"Good morning!" matapos ang ilang tawag ko ay lumabas ang isa sa katulong nila.
"Nariyan ba si Alice? Gusto ko sana siyang makausap"
"N-nandito po. Pasok po kayo" nagpasalamat ako sa kasambahay at pumasok na.
Pinaupo ako sa sala dahil tatawagin niya pa raw si Alice. Sandali pa lang akong nakaupo roon nang may pumitik sa likod ng leeg ko ng rubber band.
"Aray!"
"Gotcha!" si Rancis lang pala! Luampit siya sa akin at niyakap ako. "I miss you ate!"
"I miss you to Rancis pero huwag mo nang uulitin iyon! Masakit!" pinisil ko ang cheeks niya. Ang cute niya kaso mukhang napakakulit.
"Hahahaha. Sorry ate!" hay naku Rancis. Kung hindi ka lang cute ay baka pinalo ko na sa pwet itong kapatid ko. His eyes, nose and lips reminds me of our father. Kamukha niya si Papa.
Naalala ko na naman siya. Tomorrow is my graduation day. He was supposed to there.
Naputol ang pagmuni-muni ko nang tawagin ako ng katulong nila.
"Ma'am, pinapaakyat po kayo sa study room" sumunod ako sa kanya. Pagpasok ko sa maliit na study room ni Papa ay nakita ko si Alice sa study table niya na naninigarilyo.
What the heck?
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong nito sa akin.
"Well, this is regarding about my father's last will and testament. Naisip ko lang na kahit sa akin nakapangalan ang mga negosyo, I'll give you a chance to manage some of them. What do you think?" tiningnan niya lang ako ng matagal.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
General FictionGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)