Chapter 41

2.9K 98 5
                                    


Chapter 41



"Ano 'to? Bakit hindi ko ito alam? Totoo ba ito?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Kuya Flynn. Nagpapahinga ako dahil break time ko mula sa rehearsal ng solo performance ko para sa upcoming Grand Fans Day namin ni Jerome nang dumating si Kuya Flynn at pinakita sa akin ang isang cheap na tabloid.

'Gertrude Morales nahimatay sa set, buntis nga ba?' napangiwi ako sa headline. Pati iyong choice of words ay cheap.

Nahimatay lang ay buntis agad? Ang bilis namang mag-assume ng mga ito.

Isang beses lang akong nahimatay at doon iyon sa Batangas. Ibig bang sabihin ay isa sa mga staff doon ang source ng balitang ito?

Binasa ko ang buong article. Pati iyong date and setting ay sumakto sa balita pero hindi man lang sinulat na kaya ako nahimatay ay dahil sa pagod at kulang na tulog. Alam iyon ng buong staff. Hindi ba inabisuhan ng may-ari ang mga empleyado niya? Ang kapal ha.

Nakakunot ang noo ko habang binabasa ito.

'Usap-usapan din na sila na ng ka-loveteam nito na si Jerome Martin kaya malaki ang posibilidad na si Jerome ang ama ng dinadala niya. Matatandaang umugong ang balita noon na mayroon na siyang anak pero pinabulaanan niya ang issue na iyon at sinabi ng young actress na kapatid niya ang batang madalas makitang kasama niya'

"Nagpapaniwala ka riyan" binalik ko ito sa kanya. Siya naman ay tiningnan muna ako bago kinuha iyong tabloid.

"Pero totoo iyong nahimatay ka? Ba't hindi mo sinabi?" I rolled my eyes.

"Pagod kasi ako at wala akong sapat na tulog noon pero natapos naman namin ang shoot. Hindi naman siya big deal"

"Akala ko kaya ka hinimatay kasi na-pressure kang naroon yung Ocampo"

"Eh ano naman kung naroon siya? Pagod lang ako 'no!"

"Chill Gertrude, bakit defensive ka? Kung hindi ko pa tinanong si Tin ay hindi ko malalaman ang nangyari sa iyo roon"

"Wala naman talagang nangyari except doon sa nahimatay ako. Excuse me muna kuya, magpapahinga muna ako bago mag-resume ang rehearsal namin" iniwan ako ni Kuya Flynn sa dressing room kung saan ako nagpapahinga. Hindi ko muna sinama sila Lita dahil wala naman silang gagawin dito.

Nahilot ko ang sentido ko.

Sariwa pa kasi sa isipan ko ang nangyari doon.

Gusto kong tigilan niya ang kabaliwan niya sa mga pinagsasasabi niya kaya ko siya hinalikan pero bakit parang apektado ako kahit hindi naman dapat.

Come on Ged! It's just a kiss! Ilang beses ko nang nahalikan si Jerome pero hindi naman ganoon kalaki ang naging impact kaysa sa kanya.

Nakakainis naman kasi! At ang kapal ng mukha! Sarap na sarap na halikan ako, parang walang naiwang asawa't anak sa bahay niya.

Sa nakalipas na mga araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang dumalo sa shoots. Natuloy din iyong photoshoot ko ulit for the Ambrose pero wala na doon si Gab. Mabuti naman at hindi siya pumunta kasi kung oo, baka hindi na naman mapanatag ang loob ko.

Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin. Mali na halikan ko siya dahil may asawa siya pero gusto kong ipa-realize sa kanya na tapos na ang kung anong meron kami kahit na mabigat sa pakiramdam.

Nadala lang ng moment, nag-I love you na. Once a cheater will always be a cheater! I wonder kung malaman iyon ng asawa niya, iiyak din ba siya at magiging miserable tulad ng naramdaman ko noon?

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon