Chapter 5

5.7K 196 5
                                    


Chapter 5



Two weeks. Two weeks nang walang ibang magawa ang isang Gabriel Carlos Ocampo kundi ang guluhin ang buhay ko. Lapit nang lapit sa akin kahit hindi ko naman pinapansin. Pinapabayaan ko na lang siya sa mga ginagawa niya, bahala siya magpakatangang lokohin ako. Feeling ko kasi echos niya lang yang ligaw-ligaw na yan.

"Tulungan na kita" marinig ko lang ang boses nung epal na iyon ay sira na agad ang araw ko. Kasalukuyan akong may buhat na limang makakapal na libro at ilalagay ko sana ang mga ito sa tamang lalagyan.

"Fine" agad kong binigay sa kanya ang mga libro. Ito naman ang maganda kasi feeling ko napapahirapan ko ang lalaking iyon. Tamang-tama dahil pagtingin ko sa relo ko ay out ko na. Dali-dali akong nag log-out at lumabas ng library.

Nasa may gate na ako ng school nang biglang may humigit ng braso ko.

"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.

"Nagpapaligaw ka kay Ocampo?" heto na naman si Ken.

"Ano pakialam mo roon?" sambit ko sa kanya. Kaya ayoko malink sa mga lalaki kasi ganito ang nangyayari. Matagal ko nang sinabi sa kanya at matagal ko na ring pinaparamdam na hindi mangyayari ang gusto niya.

"My goodness Ged. Hindi mo kilala ang lalaking iyon. He's a playboy, yun ang reputasyon niya rito sa campus. Ged, alam kong matalino ka kaya habang maaga pa ay iwasan mo siya" napataas na lang ako ng kilay.

"Ken alam kong galit ka sa akin dahil-" hindi niya ako pinatapos magsalita.

"Hindi ako galit sayo. Actually naiintindihan kita pero yung nakikita ko si Ocampo na palagi kang nilalapitan everytime na may duty sa library ay iba na iyon. I just want to protect you from him. Gusto ka lang niyang matikaman" uminit ang ulo ko sa sinabi ni Ken. Yung paglapit talaga ni Gab ang palagi niyang nakikita? Paano naman yung mga beses na inirapan ko siya at nilayuan for the past two weeks?

"Well, thank you na lang sa information. Kaya ko ang sarili ko" sabi ko sa kanya.

"Bahala ka. Basta binalaan na kita" sabi niya sa akin at pagkatapos nun ay naglakad siya papalayo sa akin. Alam ko namang concern lang yun sa akin si Ken. Ayoko namang pasamain ang loob ko sa kanya lalo na't ilang beses ko na siyang tinaboy.

Paalis na rin ako nang matanaw ko si Gab papalabas ng school namin na may kasamang mga lalaki. Mga kaibigan niya siguro, madalas ko rin kasi siyang makita na kasama sila.

Maglalakad na sana ako palayo nang may tumawag sa akin. Sino pa ba? Eh di si Gab. Nakita kong nagpaalam siya sa mga kasamahan niya at patakbong lumapit sa akin. Ako naman ay mabilis ang mga hakbang para hindi niya mahabulan.

"Gotcha!" bigla ba namang humarang sa harap ko ang lalaking ito.

"Huwag kang mangulit. May pupuntahan pa ako" sabi ko at umalis sa harap niya.

"Hatid na kita. May kotse ako" alok niya. Ipapasakay niya ako sa kotse niya tapos may balak na naman siya?

"No thanks. Mas gugustuhin ko pang maglakad ng nakapaa kaysa sumakay sa kotse mo" sabi ko. Nakarating ako sa tabi ng kalsada kung saan magpapara sana ako ng jeep nang mahablot niya ang kamay ko.

"I don't get you. Naging mabait ako sayo this past few weeks pero ang taray-taray mo pa rin at kung umasta ka parang may malaki akong kasalanan sa iyo. May problema ka ba sa akin?" tiningnan ko lang siya ng mariin. "Wait, kahit ganyan ang ugali mo liligawan pa rin kita" sabi niya sa akin habang nakangisi. Putek, kahit gwapo siya ang sarap sapakin. Sa isipan ko ay hinampas ko na siya ng malaking tubo para maalala niya ang ginawa niya sa akin noon sa loob mismo ng kotse niya.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon