Chapter 13
Pagulong-gulong ako sa higaan ko. Alas dose na ng umaga pero di pa rin ako makatulog. Hindi kasi maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Parang di ko maisa-isa lahat ng pangyayari at kapag binabalikan ko ito ay nag-iinit lamang ang pisngi ko.
'Hoy Ged! Matulog ka na! Anong oras na oh! May pasok pa bukas!' Sigaw ko sa sarili ko.
Parang gusto kong sumigaw pero di ko magawa.
Bumangon ako at pabalik-balik na naglakad sa loob ng kwarto ko. Kagat-kagat ko ang kuko ko. Ganito ako pag may iniisip at nagmumuni-muni.
"Tama naman yata yung ginawa ko? Pero mali siya eh. Very wrong!" sabi ko sa sarili ko.
Bigla ko na lang nasabunutan ang sarili ko at napahiga sa kama ko.
"Ba't mo naman kasi nasabi iyon Ged. Tingnan mo tuloy, hindi ka na nakakatulog! Gab please, patulugin mo na ako" pagsusumamo ko na para bang kaharap ko lang ang taong kakabanggit ko lang ng pangalan. Ang sarap talagang untugin nitong ulo ko sa matigas na pader.
Kinakausap ko ang sarili ko habang nakatulala sa pader nang bigla na lang tumunog ang phone ko. Madali ko itong tiningnan at napakunot ang noo ko nabasa ko.
Gab
Goodnight! Stop thinking of me. 😉
Halos malaglag ko ang phone ko sa nabasa. May Mental Telepathy bang nagaganap sa amin kaya alam niya kung anong naiisip ko? Or baka nandito siya sa paligid, nagmamasid lang. O baka assuming lang talaga itong lalaking ito para i-text ako ng ganito which is totoo naman.
Magre-reply sana ako nang maisipan kong huwag na lang dahil sa oras na mag-reply ako ay baka magdamag na kaming mag-text tapos mas lalo na akong di makakatulog.
Malapit na talaga akong masiraan ng bait sa mga nangyayari. At ako na yata ang pinakamalaking tanga. Siguro kung buhay pa ang lolo't lola ko ay napalo na nila ako sa pwet.
Bigla namang nag-flashback sa isipan ko ang mga nangyari kanina.
"I like you too Ged" nagsitaasan ang mga balahibo ko. Hindi ako makagalaw sa narinig ko. Nagsisisi tuloy akong inamin ko kay Betty ang tunay kong nararamdaman kay Gab.
Habang ako ay namumutla na sa sobrang pagkapahiya, eto namang kasama ko ay napakalaki ng ngiti. Akala mo nanalo ng isang bilyon sa lotto.
"Uwi n-na ako ha. Nagkamali ka lang ng narinig" akmang aalis na ako nang may ni-play siya sa phone niya.
'Oo! I like Gab! Pvtangina! Nakakainis nga eh, sa isang hambog pa ako nagkagusto.'
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Did he just—
'Oo! I like Gab! Pvtangina! Nakakainis nga eh, sa isang hambog pa ako nagkagusto.' Ulit niya sa na-record niya.
"Gab! Ba't mo ni-record? Akin na yan!" pilit kong kinukuha sa kanya ang phone niya kaso kahit anong gawin ko ay di ko maagaw. Malaki pa naman siyang tao.
'Oo! I like Gab! Pvtangina! Nakakainis nga eh, sa isang hambog pa ako nagkagusto.'
"Gab naman! Huwag mo nang ulitin!" pagsusumamo ko sa kanya.
"Promise, hindi ko ito ipagkakalat basta payagan mo akong ihatid ka sa bahay niyo" pinakita niya naman nang inilagay niya sa bag niya ang phone niya.
"Ayoko nga" sabi ko sabay belat. Akala niya ha!
"Okay. I'll upload it on my facebook" sabay kuha ulit sana nung phone kaya lang pinigilan ko siya.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
Ficción GeneralGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)