Chapter 17
Fully loaded ang schedule ko this month. With the final exams approaching, dumagdag pa ang mga rehearsals ko for the upcoming Philippine Fashion Week. Halos 2-4 hours na lang ang tulog ko every night. Ilang beses na rin akong nag-absent sa duty ko sa library at sa mga school requirements ko naman ay halos maloka na ako sa dami ng gagawin.
Few days after receiving the good news from Vanessa, another wonderful news came! May three companies na nag-offer sakin na maging main lead sa commercial nila. Yung isa ay brand ng isang cologne kung saan ang target market nila ay mga teens, yung isa naman ay sa isang newly launched na local phone at yung isa ay isang toothpast commercial.
Ang daming blessings na dumadating. Next week ay start na nung shoot sa isa kong commercial. I'm actually excited kasi sa mga past commercials na na-shoot ko ay puro lang naman ako extra, ngayon ako na ang lead. Ang saya-saya ko nga kasi more income din ito para sa akin at hinding hindi ko magagalaw ang mga pinapadalang pera ng Papa ko.
Si Gab ay busy din sa mga requirements niya sa school. Pareho kaming graduating at halos hindi na rin kami nagkikita. After ng school niya ay may mga group project siyang tinatapos samantalang ako naman ay didiretso na sa rehearsal. Halos sa phone na lang kami nakakapag-communicate pero ayos lang. We have all the time sa darating na sem break.
"Good! That's all for today! See you tomorrow" nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko. Bukas na ang fashion show at tatlong beses lang naman ako rarampa sa catwalk. Kinakabahan din ako kasi maraming guest na artista at may mga reporters din na darating. Habang ako kinakabahan ay siya namang napaka-kalma ni Vanessa.
"Are you excited?" tumango ako. Sanay na siya sa mga ganito kaya parang wala lang sa kanya.
"Thank you ha!" I hugged her. Gumanti rin siya ng yakap.
"I got you always! Konti lang naman kayong mga kaibigan ko kaya tutulungan ko na kayo" habang tumatagal ay mas lalong lumalaki ang utang na loob ko sa kanya pero wala lang naman daw iyon sa kanya.
"Just tell me kung kailangan mo ng tulong or favor, gagawin ko sa abot ng makakaya ko" sa ngayon kasi yun lang maioffer ko.
"Just invite me for a sleepover pag nakalipat ka na sa bahay mo"
"Sure! Ipagluluto pa kita!" ang sarap niya talaga maging kaibigan. Kapag nandyan si Vanessa, napapanatag niya ang loob ko. Sumabay na ako sa kanya pauwi. Nag-check rin ako ng phone ko pero wala itong text galing kanino lalo na kay Gab. Napaka-busy talaga namin.
I texted him na kakauwi ko pa lang at I reminded him na bukas na yung fashion show. Makakarating kaya siya?
The next day ay maaga akong pumunta sa venue. 40 minutes before the call time ay nandun na ako. Hindi na nga ako kumain ng breakfast dahil sa sobrang kaba ko. Pagdating ko doon ay may mga models na rin na kararating lang. Hindi mo makitaan ng kaba ang kanilang mga mukha, talagang sanay na sila.
Sinipat ko rin ng tingin ang mga upuan doon lalo na sa mga VIP section. Nakadikit na roon ang mga pangalan ng uupo doon at nabasa ko ang isang pangalang "Charles Ocampo" na nakasulat doon. Wait, papa yun ni Gab ah!
Isang Ocampo lang ang nakita ko doon. Tiningnan ko rin kung may nakareserve na seat sa mama niya pero wala akong nakita. Mas lalo tuloy dumoble ang kaba ko. Hanggang kasi sa ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko pakikitunguhan ang parents ni Gab after nung gabing iyon. Nahihiya talaga ako sa kanila.
Nang oras na ng call time ay pumunta na kami sa backstage. May short meeting na naganap, nag-final rehearsal at pagsapit ng hapon ay isa-isa na kaming inayusan.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
General FictionGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)