Chapter 6

6K 216 29
                                    



Chapter 6

"Good afternoon Betty!" bati ko kay Betty nang pumasok ako sa library. Mag-uumpisa pa lang kasi ang duty hours ko sa library ngayon.

"Good afternoon Gertrude!" lumapit siya sa akin "Hoy, kanina ka pa hinahanap ni Gabriel. Ikaw ha, magkwento ka naman kung anong meron sa inyo. Panay siyang lapit saiyo" inirapan ko na lang si Betty. Di ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko.

"Ano naman ikukwento ko?" lumayo na lang ako sa kanya. Bumalik siya sa assigned place niya samantalang pumunta ako sa pinakamalapit na shelves para mag-arrange ng books. Medyo puyat ako ngayong araw kasi hatinggabi na ako natulog kagabi kakagawa ng requirements ko sa isang major subject.

"Hi Ged. Coffee?" nagulat na lamang ako nang makita ko si Gab sa tabi ko. Inalok pa niya ako ng kape na halatang binili sa starbucks.

"Bawal kumain sa library" hindi niya ba naaalala yung mga rules and regulations na inorient ko sa kanya noon? Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko ang trabaho ko.

"Fine. Ilalagay ko na lang ito sa may bag mo. Kaso kung mamaya mo pa iinumin ay baka lumamig na kaya bibilhan na lang kita ng bago" hinarap ko siya.

"No need okay? Sayang ng pera at saka inumin mo na lang yan" umalis ako sa harap niya at bumalik sa assigned area ko. Marami pa akong gagawin ngayong araw. Magpi-print pa ako ng mga bagong library cards at inutusan pa ako ni Ma'am Perez na magpapirma ng mga papeles sa dean.

Susunod sana sa akin si Gab nang tawagin siya ni Ma'am Perez at inutusan. Buti na lang. I can't stand na lumapit siya sa akin lalo na't naaalala ko lang ang nagawa ko three nights ago.

Hindi ko talaga alam kung anong sumagi sa isipan ko at hinagkan ang pisngi nung lalaking iyon. Sa pisngi lang dapat sana kasi gusto kong ipakita man lang yung appreciation ko sa kanya. Yun naman talaga ang turo sa akin nung lolo at lola ko.

At bakit ko ba palaging naiisip ang kiss na iyon? Kung tutuusin hindi naman iyon kiss kasi nagdampi lang ang mga labi namin. No no no!

Naloloka na yata ako! Sa tuwing natutulog naman ako tuwing gabi ay yun ang naaalala ko. Pilit ko ngang kinakalimutan, bumabalik at bumabalik naman sa isipan ko. Kaya after nung gabing iyon ay iniwasan ko na talaga si Gab kaso lapit naman siya ng lapit sa akin. Mabuti na lang at hindi niya inoopen yung nangyari last, last, last night.

Maghapon lang akong naging busy sa ginagawa ko. Ni hindi ko nga nahagilap si Gab kasi busy rin siguro siya. Mabuti na rin yon.

Nung oras na nung pag-out ko, doon ko lang nakita si Gab. Halos sabay lang pala kaming natapos.

"May pupuntahan ka pa?" tanong niya.

"Wala" maikli kong sagot.

"So, uuwi ka na?" tanong ulit niya.

"Wala"

"Ba't ang tipid mo sumagot?" hay. Eto yung side ni Gab na unti-unti kong nakikilala. Yung pagiging makulit niya. Nagtataka nga ako sa sarili ko kung bakit hindi ko na ito sinusungitan.

"Pagod ako" hinarap ko siya. Pumunta ulit ako sa may tabi ng kalsada para mag-abang ng jeep.

"I thought wala ka nang pupuntahan? Ang lapit ng boarding house mo, bakit ka pa magcocommute?" huminga ako ng malalim. Alam ko naman kasing kahit saan ako pumunta ay sumusunod to. Feeling ko kaunti na lang magiging linta na itong taong to. Ganito ba siya sa mga babaeng nililigawan niya?

"May dadaanan lang ako" giit ko dito.

"Yun naman pala. Hatid na kita tapos mag kape tayo" bago pa ako makatanggi ay hinigit niya na ako sa kamay ko at ipinasok sa kotse niya. 

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon