Chapter 25

3.3K 100 2
                                    


Chapter 25

"Is this the place?" tumango ako. Pinarada ni Gab ang sasakyan niya at bumaba kami. Hinawakan niya ang kamay ko ay sabay kami pumasok sa burol ni Papa.

"Ged!" tawag sa akin nung pinsan ni Papa. Lumapit siya at niyakap ako. "Nakapagpahinga ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Nakatulog naman po ako kahit papaano" and I'm thankful kasi hindi ako iniwan ni Gab maghapon. Nilingon ko siya sa tabi ko. "Siya nga po pala, si Gabriel po. Boyfriend ko" pakilala ko kay Gab sa Tita ko.

"Gab, si Tita Fe. Pinsan siya ni Papa" nakipagkamay si Gab sa tita ko na malugod namang tinanggap.

"Huli kong kita sa'yo noon ang bata-bata mo pa, ngayon may boyfriend ka na" tumawa na lang ako sa sinabi niya.

"Tita kayo po? Nagpahinga na rin po ba kayo?" tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi pwedeng ako lang ang nagpahinga.

"Huwag kang mag-alala. Kadarating ko lang din. Umuwi din ako kaninang uumaga para magpahinga. Maiwan ko muna kayo ha. Kung magutom kayo maraming pagkain diyan" nang iwan kami ng tita ko ay naglakad kami palapit sa kabaong ng Papa ko. Ilang minute rin kaming nakatayo doon. Hawak-hawak niya ang isang kamay ko.

Titig na titig si Gab sa kanya sa mukha ni Papa. I wonder kung anong iniisip niya?

Pagkatapos noon ay niyaya ko siyang maupo. Balak ko talaga na dumito ako ng magdamag at sabi ni Gab ay sasamahan niya ako.

Papalakad na kami sa uupuan namin nang makita kong papalapit si Alice. Napansin ko rin ang galit sa mga mata niya. Tumingin-tingin ako sa paligid kung nandito si Rancis pero hindi ko siya nakita.

"Hampaslupa na nga, nagsama pa ng walang kwenta" nagpantig ang tainga ko sa narinig. Wala akong balak makipag-away pero ang idamay ang boyfriend ko ay hindi na ata katanggap-tanggap.

"Ano?!" bago pa man ako maka-react ay naunahan na ako ni Gab magsalita. Pinisil ko ang kamay niyang hawak ko para sana patigilin siya kaso kita ko sa mga mata niya ang pagkairita at galit.

"Gab.." bulong ko sa kanya.

"Narinig mo naman ata ang sinabi ko." she said while rolling her eyes. "By the way, say hi to your mom for me. Hindi man lang ba pupunta rito sina Euphy?" nagulat ako sa narinig ko. She knows Tita Euphy.

Kaya pala noong nagkita si Papa at ang mga magulang ni Gab noon ay parang kilala nila ang isa't-isa. Magkakakilala pala talaga sila.

"Or wala silang balak pumunta dahil pinakulong ka nung asawa ko noon" she smirked and left.

"I'm sorry" sabi ko sa kanya.

"Ganoon ba talaga kasama ang ugali ng stepmom mo?" pagalit niyang tanong sa akin.

"He's Papa's wife but I don't consider her as my stepmom" wala naman siyang ginawa kundi ang pahirapan ang buhay ko.

"Excuse me Ged" sabat ni Tita Fe sa amin. "May sasabihin lang sana ako" gumawad ng ngiti si Gab sa amin at naupo na samantalang sumama naman ako kay Tita sa tabi.

"I'm sorry sa naging ugali ni Alice. Alam mo namang mula noon pa ay ayaw na namin sa kanya" nagpakawal siya ng buntong hininga. "Anyway, alam kong hindi sa'yo nasabi ni Alice kaya ako na ang magsasabi sa'yo. Gusto niya kasing sa makalawa na ang libing ng Papa mo. Wala naman kasing hinihintay." tumango ako.

"Wala naman pong problema" matapos ang pag-uusap namin ay tumabi ako sa inuupuan ni Gab. "Are you okay?" tanong ko sa kanya. Mukha kasing ang lalim ng iniisip niya.

"I'm okay. Nanghihinayang lang na hindi ko man lang nakausap ang Papa mo bago siya mawala. Hindi ko rin nasabi sa kanya kung gaano ko kamahal ang unica hija niya" napangiti ako sa sinabi niya.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon