Chapter 38
"Kamusta ang puso mo? Ayos lang?" tumaas ang isang kilay ko sa naging tanong sa akin ni Kuya Flynn.
"Ano bang pinagsasabi mo?" maang-maangan kong tanong sa kanya kahit alam ko kung ano ang tinutukoy niya.
"You know what I'm talking about Ged" he told me sarcastically.
"Kuya, it's been years. Wala na kaming pakialam sa isa't isa"
"Really? Tingnan natin Ged ha" napailing na lang ako sa tinuran niya. Kaya naman pala pinasakay niya ako sa kotse after namin makalabas sa Gonzales Corp. dahil kakausapin niya ako. Samantalang iyong van ko ay nakasunod sa amin.
We're on our way to Oasis, iyong agency na nagha-handle sa akin. May pag-uusapan kami with the big boss tungkol sa isang nalalapit na event.
"Nakita ko noon kung paano nasaktan at nadurog iyang puso mo dahil sa kanya. Huwag na sanang maulit pa iyon" hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tumingin na lang sa bintana para pagmasdan ang mga dinaraanan namin.
Kilala ni Kuya Flynn si Gab, not personally pero nakita niya na siya sa mga pictures ko noon na ngayon ay sinunog ko na. Just like Jerome ay alam niya rin ang mga nangyari sa amin noon.
"Huwag na natin siyang pag-usapan. May mga sarili na kaming buhay"
"A closure, perhaps?" dagdag na tanong niya sa akin.
"Hindi na namin kailangan noon" I rolled my eyes. Nagpasalamat na lang ako na hindi na siya nagtanong pa. O baka ay may gusto pa siyang itanong kaso pinigilan niya na ang sarili niya.
Buti na lang ay agad na natapos ang meeting namin. Siya ang nagsabing tapusin agad and I'm glad dahil hindi ata ako makakahinga kapag nagtagal pa ako doon.
Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw lalo na't kasama pala siya sa Batangas. Dapat pala ay hindi ko na tinanggap iyong offer.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na dapat tinanggap itong offer sa akin pero nangyari na. Next time talaga ay kikilalanin ko ang may-ari bago pumirma.
Nakarating kami sa tapat ng building ng agency ko. Unang bumaba sa kotse si Kuya Flynn at sumunod naman ako at diretso kaming tumungo sa conference room.
Pagdating namin doon ay naroon na iyong isang producer at isang kilalang stage director.
"Tamang-tama at nandito na kayo. Kailangan din kasi namin ng suggestion niyo for this lalo ka na Gertrude" may ibinigay siya sa aking papel kung saan nakalista ang mga dapat kong i-perform sa binabalak nilang Grand Fans Day ng GeRome.
"Okay lang. Ili-lip sync ko yung mga kakantahin ha" sabi ko sa kanila.
"Pwede naman pero kailangan mo pa ring mag-live. Kahit mga fans niyo ang pupunta ay may mga bashers pa rin diyan na nag-aabang na lusubin ka" sabi ni Kuya Flynn.
"Kailan ang target date nito?" tanong ko kay sa producer.
"Two months from now" napatitig ako dun sa producer. Hindi naman ako nagrereklamo but this means na maraming gabi na naman akong hindi makakauwi sa bahay dahil kailangan kong mag-rehearse. Para na rin kasing concert ang gagawin namin ni Jerome kaya maraming dance and song number kaming kailangan i-prepare.
Nasa kasagsagan pa kami ng paggawa ng movie namin at samahan pa nung iba pa naming commitments like photoshoots, commercials and variety shows. Naalala ko ring may fashion event pa akong kailangang rampahan.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
General FictionGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)