Chapter 24

2.8K 99 2
                                    


Chapter 24

Kakauwi lang ni Papa sa Pilipinas. Ang sinakyang taxi mula airport ay tumama sa isang truck. Tumilapon ang taxi maging ang katawan niya at ng driver. Pauwi na sana siya sa pamilya niya nang mangyari ito.

Sinubukan siyang madala sa ospital para maagapan pero bumigay agad ang katawan niya.

Nanghihina ako nang dalhin ako ng mga pulis sa morgue kung saan dinala roon ang bangkay niya. Doon ko nakita ang isang bangkay na nakaratay at natatakpan ng puting kumot. Hinayaan ako ng mga pulis na alisin ang tapik nito para makumpirma na tatay ko nga ito.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot at nang makita ko ang mukha ay doon ko nakumpirma na totoo ang sinasabi ng mga pulis. Wala na ang tatay ko!

May mga tuyong dugo sa ulo niya at sa mukha. May mga pasa sa kanang bahagi ng mukha pero hinding-hindi ako magkakamali na ito ang papa ko. Ilang buwan ko siyang hindi nakita! Nag-eexpect akong magkikita kami sa araw ng graduation ko! Nag-promise siya! Hindi man naging maganda ang relasyon namin sa loob ng ilang taon ay nagpaka-ama naman siya akin at para sa akin ay sapat na iyon.

Sunod-sunod ang buhos ng luha ko. Umiiling pa ako at niyayakap ang malamig niyang bangkay. Hindi pwede ito! Hindi pwede!

"Pa, no!" niyuyugyog ko pa siya. Umaasa na sana ay gumising siya. Pero hindi, kasi totoong bangkay ito ng isa sa pinakamamahal kong tao.

"PAPA!" sumisigaw na ako. Nakayuko naman ang mga kasama kong pulis. Hindi ata alam kung anong gagawin.

"PA! I'm sorry! Please! Gumising ka! I'm sorry... I'm sorry" iyon na lang ang lumalabas sa bibig ko. Wala akong gustong ibang sabihin kundi sorry.

Ang dami naming pagkukulang sa isa't-isa at ngayon ay huli na para punan ang mga pagkakataong iyon.

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at hinalik-halikan ko ito.

"Pa, I'm sorry..." sumisinok na ako sa sobrang pag-iyak. Hindi na rin ako makaiyak ng maayos pero wala akong pakialam. Ang sakit-sakit nitong nararamdaman ko at ang damdamin ko ay namamanhid na sa sobrang lungkot.

Una ang nanay ko. Mabilis siyang kinuha sa akin noong musmos pa lang ako. Sunod ang lolo't lola ko na nagpalaki sa akin, ngayon naman ang papa ko. Bakit ang malas malas ko?

Isang oras din ako sa ganoong kalagayan nang mag-offer ang isang pulis sa akin ng isang basong tubig. Nagpasalamat ako dahil kailangan na kailangan ko iyon sa ngayon.

"Ah ma'am. May number po ba kayo ng nanay niyo? Siya po kasi ang una naming tinawagan kaso hindi namin ma-contact. Pinuntahan namin iyong address kaso walang tao. Buti na lang nakasulat din iyong pangalan mo po dun sa 'in case of emergency' niya" napalunok ako sa narinig.

"A-ano po, h-hindi ko po nanay iyong asawa ni papa. Anak niya po ako sa unang asawa" I explained. Tumango naman ang pulis.

"Kung hindi ma-contact or dumating ang asawa niya until lunch ay ako na mag-aasikaso sa burol niya" tumango naman sila. Then I remember, I may have money pero hindi sapat iyon para sa burol at pagpapalibing sa kanya.

Nasaan ba kasi ang asawa niya?

Ilang oras muna akong naghintay. Madaling araw akong pumunta rito pero hindi na ako nakakaramdam ng antok. Pasado alas diyes naman ng umaga ay bumukas ang pinto ng morgue at pumasok ang babaeng hindi ko akalaing makikita ko ulit.

"Nasaan ang asawa ko?!" hysterical na tanong niya. Mukhang galit pa siya nang makita niya ako.

"A-anong ginagawa mo rito? Nasaan ang asawa ko?"

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon