Chapter 7
"Talaga?" tiningnan ko na lang si Gab mula ulo hanggang paa. "Sa gate pa lang ng seminaryo, sunog na ata balat mo."
"Ang harsh mo naman" sagot niya pabalik sa akin.
"Totoo kaya ang sinasabi ko!" napahagikhik na lang kaming dalawa sa sinabi ko. Paano ba naman nagkwento siya sa akin na muntik na siya ipasok ng mama niya sa seminaryo. Sila ng isa niya pang kapatid. Tawa nga ako ng tawa nang i-kwento niya sa akin iyon kanina.
"Kaya good boy na ako. Sayang ng lahi ko kung ipapasok lang ako sa seminaryo" mas lalo akong napatawa sa sinabi niya. I can't imagine a Gabriel Ocampo wearing a sutana.
"Are you done? Let's go back to the library. Baka hinahanap na tayo ni Ma'am Perez" tumango lang ako sa kanya. Niligpit naman namin yung pinagkainan namin ng tanghalian at saka nagtungo sa library. Ang dami kasi naming ginagawa ngayon at halos 1:30pm na nang makakain kami ng lunch. Buti na lang at dalawang subject lang ang pasok ko ngayong araw.
Ever since nung nakwento ko sa kanya ang buhay ko mas lalong naging magaan ang loob ko sa kanya. Feeling ko nga parang may nagbago eh. Pilyo pa rin siya pero hindi na tulad nung dati. Simula kasi nung araw na iyon, parang mas naging mas malapit kami sa isa't isa. Hindi na rin ako naiinis kapag nakikita ko siya.
Palagi na rin kaming magkasama. Sa tuwing kasama ko siya, parang napapawi ang lungkot sa aking dibdib. Hindi ko nararamdaman na mag-isa ako. Siguro na-fifeel ko lang yun kasi wala akong bestfriend at isa siya sa bukod tanging nagparamdam sa akin na hindi ako mag-isa. Ang funny no, a month ago kinasusuklaman ko siya tapos ngayon naman ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.
Ganun pa man, alam kong dapat ko pa rin dumistansya. Sabi niya tuloy pa rin ang panliligaw niya sa akin pero di ko rin mapigilan ang magkaroon ng doubt. Sa dinami-rami ng babae bakit ako pa? Baka mamaya niyan naghahanap lang siya ng babaeng makakapag raos ng pangangailangan niya. Kaya all in all, hinding hindi ko pa naibibigay sa kanya ang buong tiwala ko.
Speaking of, matagal na rin mula noong makita kong may kasama siyang ibang babae.
6pm nang sabay kaming mag out ni Gab sa duty namin. Madalas niyang i-offer na ihatid niya ako sa amin, palagi naman akong tumatanggi pero masyado siyang mapilit kaya sa huli ay palagi akong natatalo.
Pagkarating namin sa harap ng boarding house ko ay di muna ako bumaba. May kinuha ako sa bag ko at saka binigay sa kanya.
"Gab" sabi ko sabay bigay sa kanya.
"What's this?" tanong niya.
"Bayad ko. Sa utang ko.. no.. no.. I mean dun sa ninakaw kong pera.." kahit baliktarin pa man ang mundo alam kong mali yung ginawa ko sa pera niya. Ninakaw ko iyon at tama lang na maibalik iyon. Iyon nga lang hindi ko pa maisasauli ng buo. Halos dalawang linggo na rin akong walang extra raket.
"Sayo na lang yan. Alam mong barya lang sakin yan" sabay abot sa akin nung perang pinambayad ko.
"I insist. Ninakaw ko ang pera mo, dapat lang na isauli ko" muli ko namang inabot sa kanya.
"Itago mo na lang. Ito na lang ibayad natin pag nag-date tayo." tumaas ang isang kilay ko.
"Fine. Pag heto nagastos ko ulit, hindi ko na kita babayaran pa" sabay tago ko nung pera sa bag ko.
Nakarating kami sa library at siya na rin naglagay ng gamit ko sa locker matapos nun ay pumunta na kami sa assigned area ng trabaho namin.
"Kayo na?" nagulat na lamang ako nang biglang may mag salita sa likod ko. "Akala mo di ko nahahalata kung anong namamagitan sa inyo no? Fvckboy din pala hanap mo" I rolled my eyes after on what Betty said.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
General FictionGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)