Chapter 8

3.7K 137 2
                                    


Chapter 8

"Pag-isipan mong mabuti ha. Wala kasi akong ibang nakikitang gagawa nun kundi ikaw" nag-blush naman ako sa sinabi ng dati kong prof na si Ms. Millena. "..and don't worry safe na safe ka sakin" she said, assuring me that everything will be fine.

"I'll think about it Ma'am. Sige po mauna na ako!" paalam ko sa kanya. "I'll contact you na lang po about my decision" naglakad na ako palayo sa kanya at nag ba-bye na.

Kaka-out ko pa lang sa duty ko sa library nang bigla akong pinatawag ni Ma'am Millena dahil may favor daw siyang hihingiin sa akin. Wala namang problema sakin yung hinihingi niya pero kailangan ko talaga itong pag-isipan ng mabuti.

Nakarating na ako sa may cafeteria ng school at bumili ng lunch nang makita ko namang kumakain si Gab kasama ang mga kaibigan niya. Hindi niya naman ako napansin kaya hindi na ako nag-bother na tawagin siya dahil baka makaistorbo pa ako lalo na't hindi ko naman kakilala ang mga ito. Maya-maya'y nakita ko si Betty na nag-iisang kumakain sa may dulo kaya tinabihan ko siya.

"Betty, patabi ha" sabi ko sa kanya.

"Yeah, sure. Pero andyan naman si Gab ah. Ba't di ka sa kanya tumabi?" nginitian pa niya ako ng nakakaloka. "Halos nagiging magka-close na kayo pero bakit di ka pa rin niya pinapakilala sa mga ka tropa niya? Kung ako sayo magagalit na ako." Dagdag niya.

Bigla naman akong napangiwi sa sinabi niya. "Ano ka ba? Di naman kailangan nun" di ko alam kung anong pinagsasasabi nitong si Betty. Ba't kailangan pa akong ipakilala sa mga kaibigan niya? Bihira ko rin lang naman sila makita kasi madalas na hapon na ako kumakain ng pananghalian. At wala naman dapat akong pakialam kung tuuusin. Mas una silang naging kaibigan ni Gab.

"Akala ko puro lalaki ang circle of friends niya? Ba't may babae?" napalingon ako sa grupo ni Gab matapos sabihin iyon ni Betty at nakita ko ang bagong dating na babae. Wala naman akong pakialam sana kaso nga lang ay nakatabi ito kay Gab at hawak hawak pa nito ang braso nito. Nang makita ko ng kaunti ang mukha nito ay saka ko naalala na yun yung babaeng nakita kong kasama ni Gab sa loob ng library noon! Yung may ginagawa silang milagro! Kahit malayo sila alam ko ang mukhang iyon. Akala ko ba...o baka nag-assume lang ako na wala na sila?

"Ang sama naman ng Ocampo na yan. Akala ko ba kayo?" tanong niya.

"Hindi ah! W-walang kami!" depensa ko. Tiningnan niya naman ako ng may halong pagdududa. "Sige na nga naniniwala na ako. Siguro magkaibigan lang talaga kayo kasi yun yung ka-ibigan" lumingon naman ulit ako at nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano nakawan ng babae si Gab ng halik.

"Uy nasasaktan na yan.." biro niya sakin. "Ba't ako masasaktan?!" pasigaw kong sabi sa kanya. Pinagpatuloy ko lang ang kinakain ko. Maya-maya'y nagtayuan na silang magkakaibigan at umalis na. Nakabuntot pa rin ang babaeng iyon kay Gab. Buti na lang at nasa malayo kami nakaupo

Tinapos ko nang madalian ang lunch ko at umalis na. Iniwan ko si Betty na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos kumain. Pumunta na ako sa klase ko at nakinig sa anumang tinuturo ng prof ko. Pero kahit na anong gawin ko, palaging nag fa-flashback sa isipan ko ang nakita ko kanina, si Gab at yung babae! Sht! Di ko dapat sila iniisip!

Eh ano naman kung magkasama sila? Diba binasted ko na siya?

Pero sabi niya maghihintay siya?

Wala talaga akong maaasahan sa lalaking iyon. Puro lang ata salita ang isang tulad niya.

Buong maghapon lang akong nakaupo at nakikinig sa lecture. Sunod-sunod ang klase ko ngayon at nang sumapit ang gabi ay dali-dali akong umuwi ng boarding house at nang makarating na ako sa harap ng inuupahan ko ay nakita ko si Gab na nakaupo sa may pinto. Ano na naman ang kailangan nito dito?!!

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon