Chapter 57

3K 83 3
                                    


Chapter 57



"Ged!" mabilis na lumapit si Gab sa kinatatayuan ko habang si Kuya Flynn naman ay masama ang tingin sa kan'ya.

"Gab" I said.

"Nakita niyo na ang nangyari ngayon? Kayong dalawa na ang laman ng mga headlines ngayon at si Jerome ang pinakanakakaawang nilalang sa buong bansa! The sympathy goes to him! The media will frame you as cheaters! At dahil ikaw Gertrude ang babae at sikat, expect na maraming masasakit na salita ang itatawag nila sa'yo!" Kuya Flynn is freaking out now at sa tingin ko ay hindi ko siya mapapakalma.

"Palipasin na lang muna natin" saad ko.

"Palipasin?! The more that you stay quiet, the more that it will get bigger. Mas lalo kayong pag-uusapan sa pananahimik niyo! Everyone will assume na totoo ito!"

"Totoo namang si Gab ang boyfriend ko! But we're not cheating! Magpapa-presscon ako in the next few days. Kung kailangan kong sabihin ang totoo, gagawin ko!"

"How about your name? Wala ka na talagang pakialam sa career mo dahil lang sa lalaking iyan? Hindi na ikaw ang Gertrude na nakilala ko! What if maghiwalay ulit kayo? Oh eh 'di nganga ka!" nairita ako sa sinabi ni Kuya Flynn.

"Then what else do we have to do? Magsinungaling ako?" I asked him.

"Please don't blame Gertrude for having a relationship with me. It's my fault" Gab said.

"It's not your fault, okay?" I told Gab. Paanong magiging kasalanan niya? Kung meron mang dapat sisihin ay ako iyon.

"The best thing to do right now is to keep quiet. Hayaan na lang muna natin ang mga bashers. Hayaan mo muna nilang isipin kung ano ang gusto nilang isipin" I said as I looked at Kuya Flynn.

"Fine! After this ay pupunta ako sa agency at sasabihin kung ano ang napag-usapan natin. You'll stay silent for the meantime pero magpapa-presscon ka after several days! Let's wish na hindi mag-back out ang mga sponsor mo!" binalingan niya naman si Gab. "At ikaw naman Mr. Ocampo, binalaan na kita dati pa, hindi ba?!" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong binalaan niya si Gab noon? Kinausap siya ni Kuya Flynn? Bakit hindi ko iyon alam?

"I'm sorry Sir" nakayukong sabi ni Gab. Ano kayang napag-usapan nila?

"I'll do my best para maayos itong issue, hindi na rin ako makikialam sa kung ano ang sasabihin mo during your presscon. Hindi na kita pipigilan but the moment na magsisi ka ay hindi kita tutulungan" saad ni Kuya Flynn sa malamig na boses.

Pagkatapos ng mahaba niyang litanya ay diretso na siyang lumabas ng condo ko. Nakita ko naman sila Lita at Tin sa may pinto na nakatingin sa aming dalawa ni Gab.

"Uhm, s-saan ka ba matutulog Gertrude? Uuwi muna kasi kami ni Tin sa bahay mo"

"I'll stay here for a while" because I need to talk with Gab alone.

"Ako na lang ang maghahatid sa kanya" Gab said.

"O-okay. Ingat kayo ha lalo na't mainit kayo ngayon sa publiko" tumango ako sa sinabi ni Lita at saka lumabas ng condo unit ko kasama si Tin.

Pakasara ng pinto ay siya namang pagyakap sa akin ni Gab ng patalikod.

"Ged.."

"G-gab..." nagsimula nang maging garalgal ang boses ko "...I'm sorry"

Gab turned to me and cupped my face.

"Stop saying sorry. It's not your fault"

"It is my fault!" I said to him while emphasizing every word. "Kung hindi dahil sa akin, hindi ka madadamay!" tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko kaya niyakap niya ako at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon