Chapter 10

3.8K 131 0
                                    


Chapter 10

"Are you ready? Standby ka muna for few minutes" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Ma'am. May pagkakataon akong umatras pero hindi ko magawa. Sabagay, pumayag naman ako kaya hindi ko pwedeng ipahiya si Ma'am Millena sa harap ng mga estudyante niya.

Nalaman kong tatlo lang naman na estudyante niya na artist ang guguhit. Exclusive lang daw sa kanila and mga pro na painter naman daw sila kaya wala akong magiging problema. I'll pose, they'll draw pero hindi nila ako pwedeng hawakan. And never pa sa history ng school namin ang may kaso ng harassment dahil dito.

I'll just think of it as an art. Marami naman kasi ang gumawa nitong concept at maganda naman ang kinalabasan. Magfofocus muna ako sa gagawin ko ngayon. Kakalimutan ko muna ang mga bagay na lumilipad sa isipan ko lalo na si Gab.

Speaking of, ilang araw ko na siyang hindi kinikibo. Buti na lang hindi siya nakakadaan sa bahay kasi palagi akong busy at busy rin siya.

At ipinagpapasalamat ko naman na hindi pala ako totally maghuhubad. May takip na kumot ang katawan ko pero kita naman ang likod ko. I wonder if nude pa ba ang tawag don? Kung magagaling na mga pintor ang makakasama ko mamaya, malamang maganda rin ang kalalabasan nito.

Nandito ako ngayon sa isang maliit na kwarto na parang dressing room. Dito muna ako habang hindi pa ako kailangan. I don't need makeup, much better daw kung yung natural face lang. Suot ko lang sa ngayon ay ang pink robe ko, may suot naman akong undies pero wala akong bra.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at tinawag na ako ni Ma'am Millena. "It's time" iginiya niya ako sa room kung saan naroron ang klase niya. Pagpasok namin doon ay walang katao-tao pero may tatlong easel nang nakatayo.

In-orient muna ako ni Ma'am sa gagawin ko at medyo nabawasan naman ang kaba ko sa mga sinabi niya.

"Don't worry hinding-hindi kita pahuhubarin. Alam ko namang hindi ka comfortable doon" pumunta na rin ako sa magiging pwesto ko, sinubukan kong gawin yung pinapagawa sakin ni Ma'am nang biglang bumukas ang pintuan at isa-isang pumasok ang mga estudyante ni Ma'am.

"Oh, right on time" linapitan namin sila at ipinakilala ako ni Ma'am sa kanila. Tatlo lang sila, dalawang babae at isang lalaki. Pinasadahan ko sila ng tingin at mukhang harmless naman sila. Napangiti pa nga ako kasi kilala ko yung dalawang babae.

"Nicole and Zel, this is Gertrude Morales from College of Business" inilahad naman sakin ni Nicole ang kamay niya. "Hi, I'm Nicole" tinanggap ko naman ang kamay niya.

"I know. I'm actually a fan of your works" are you kidding me? Si Nicole Cruz ito! Siya yata ang president ng College Council. Hindi lang iyan, sikat siya dito sa school kasi ilang beses nang naparangalan ang mga gawa niya sa iba't ibang bansa kaya grabeng honor ang ibinibigay niya sa school namin.

"Thank you!" ang bait niya. Nakipagkamay din ako kay Hazel Reyes. Isa rin itong pro na pintor. Nalaban na rin sa ibang bansa ang mga works niya at may isang senador na bumili ng gawa nito. Nakita ko na rin ang mga gawa niya nang magkaroon ng Gallery Display sa school namin.

"..and this is Mark" inabot ko naman ang kamay ko sa kanya kaso nahagip ng mata ko ang kakaiba niyang ngiti at mapaglarong tingin niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awkwardness dahil sa kanya.

Tiningnan ko ulit siya. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Si Nicole at Hazel ang kilala kong magaling na painter sa school namin pero siya, hindi ko siya kilala. Baka famous rin siya pero wala lang talaga akong pakialam.

"Okay let's start" pagkatapos iyong sabihin ni Ma'am ay kanya-kanya nang pumunta sa kanilang pwesto ang tatlo at inaayos na ang mga gamit sa pagpipinta.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon