Chapter 26

3.7K 101 1
                                    


Chapter 26


"Kakaduty mo pa lang sa library tapos dumiretso ka sa taping mo without eating lunch?!" halos ilayo ko ang phone ko sa tenga ko dahil sa sigaw ni Gab sa kabilang linya.

"Gab, 'di na ako nag-abalang kumain kasi may libreng lunch dito kaya dito na rin ako kakain. Don't worry about me. Focus on your thesis defense! Good luck!" narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.

"Make sure to eat your lunch. Ayokong nagpapagutom ka" saad nito.

"Of course kakain ako. See you later!" we said our goodbyes at maya-maya'y binaba ko na ang phone.

Totoong may free lunch dito kanina pero hindi ako kumain. Ang totoo kasi'y hindi ako nagugutom. Ewan ko ba pero nitong mga nakaraan ay wala akong gana kumain. Nakakakain lang ako kapag nandyan si Gab, palagi niya akong binabantayan and he makes sure na kumakain ako. Kumbaga, pinipilit ko ang sarili ko na kumain kahit wala akong gana.

It's been a week since nung nilibing ang papa ko.

At ilang gabi na rin akong hindi makatulog. Pinipilit ko naman kaso pinakamatagal na ata ang three hours na tulog ko. Palaging madaling araw na ako nakakatulog at magigising na lang ng alas kwatro o alas singko ng umaga. Sinusubukan kong matulog ulit pero hindi na matuloy.

Sa gitna ng lahat ng ito ay nariyan si Gab. Palagi siyang nagre-request na doon matulog sa bahay pero ako naman ay hindi siya pinapayagan. Ayokong malaman niya itong insomnia ko. Sobra-sobra na ang ginagawa niya para sa akin.

At para hindi ako ma-depress ay inabala ko ang sarili ko sa school at sa trabaho. At kahit na hindi naka-schedule ay nagdu-duty ako sa library. Gusto ko lang talagang i-divert ang attention ko. Ang sakit lang kasi sa tuwing naaalala ko ang papa ko.

"How are you Ged?" tanong sa akin ni Kuya Flynn. "Sorry kung hindi ako nakapunta sa burol ng papa mo"

"Okay lang po." I smiled at him to assure him that I'm okay pero deep inside hindi pa talaga.

"You know what, I think makakatulong itong role mo sa iyo. You need a distraction at ito iyon" ani niya.

"Thank you" mahina kong usal sa kanya.

"Na-memorize mo na ba iyong lines mo? Sorry to say this pero blessing in disguise na miserable kang tingnan ngayon. Bagay na bagay sa role mo" huminga na lang ako ng malalim. Kahit ano pang pangiti-ngiti ko ay nahalata pa rin ni Kuya Flynn ang pinagdadaanan ko.

Nabasa ko yung script. Ang role ko sa teleseryeng ito ay isa akong battered daughter. Kaklase ko si Jerome na kapatid nung bidang babaeng at siya ang magiging knight in shining armor ko. Dinagdag nung scriptwriter at director ang scene namin dahil kailangan daw ng extra love team sa show na iyon at kami ang napili.

Nasa set na kami at habang binabasa ko ng maigi ang script ay naramdaman ko na lang na may nakatayo sa tabi ko at pagtingin ko ay nakita ko si Jerome.

"Hello Ged"

"Hi Jerome" I smiled at him.

Babalik na sana ako sa pagbabasa nang umupo sa tabi ko si Jerome.

"Nung isang araw ko lang nalaman iyong tungkol sa papa mo. Condolence"

"Thank you" hindi na ako nag-bother na kausapin siya.

Ilang sandali pa'y tinawag na kaming dalawa ni Jerome para sa scene namin. It was a typical college setting kung saan nagkabungguan kaming dalawa. Iyon ang first meeting namin. Very common na itong scene na ito sa mga pocketbooks and movies at ngayo'y mangyayari ulit sa drama.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon