Chapter 21

3K 105 4
                                    


Chapter 21

It's the first day of school! Second sem na and few months to go ay graduation na namin! Konting kembot na lang ay makukuha ko ang diploma ko na pinaghirapan ko ng ilang taon.

Nagpaalam din ako sa librarian namin na may possibility na hindi na ako makakapag-duty sa library ng madalas lalo na't may thesis kaming tinatapos.

Si Gab naman ay bukas pa makakapasok dahil mamayang gabi pa sila makakauwi ng papa niya mula sa Singapore.

Mag-isa akong kumakain ng lunch nang biglang may nagsalita. Pagtingin ko ay nagulat ako nang makita ko kung sino.

"May I seat here? Wala na kasing space" pagtingin ko sa ibang table ay puno na nga pero nakapagtataka na rito siya uupo eh nasa kabilang table lang naman ang mga kaibigan niya.

"O-okay" umupo siya sa harapan ko. Ako naman ay tumingin na lang sa kinakain. Parang ang awkward kung titingnan ko siya. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito?

Napansin ko ang ilang students na nakatingin sa amin. Feeling ko nga pinagchi-chismisan na kami. Paano ba naman nasa iisang table lang kasi ang past and present ni Gab. Although landian lang sila according to Gab ay may namagitan pa rin sa kanila. At mas lalo lang umiinit ang ulo ko kapag naalala ko yung minsang naabutan ko ang dalawa sa library noon.

"Your relationship with Gab is getting stronger" nagulat ako nang bigla niya akong kausapin.

"Y-yeah" mabait akong tao kaya sinagot ko na lang siya. Ayoko namang maging snob.

"You were at his parent's anniversary party. That means na-meet mo na si Tita Euphy and Tito Charles" tumango ako.

"Oh I remember last year, ako yung sinama niya sa birthday party ni Tito Charles. We even made out sa room niya." she chuckled. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Ano bang gustong palabasin ng babaeng ito?

"Ang dami talagang nagkakandarapa kay Gab especially that he came from an influential family. Whoever Gab will be marrying, she'll get half of his fortune" dagdag niya pa.

"Erika-" may sasabihin pa sana ako nang pinutol niya ito.

"You know what, he keeps on coming back to me kahit may girlfriend siya noon. By the way, did you do it already with him?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Don't tell me hindi pa? A piece of advice, galingan mo ang performance mo at baka mamaya niyan ay bumalik siya sa akin. Ayaw niya ng boring" confident pa na sabi niya. Parang ang sarap ingudngod ng pagmumukha niya sa basurahan.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo?" may pagpipigil pa habang kinakausap ko siya.

"Ah meron pa..." dagdag nito "Ingat ka. Yung iba kasing babae, pinagpupustahan ng mga lalaki. I hope you're not one of them" after what she said ay agad siyang umalis sa harap ko at lumipat doon sa table ng kanyang mga kaibigan.

Sinasabi ko na nga ba. Galit siya dahil sa ako ang girlfriend ni Gab. Hindi ko lang maintindihan yung huli niyang sinabi. Sino naman magpupusta sa akin?

Sa sobrang pagka-heartbroken ay kung anu-ano nang pinagsasasabi ng Erika na iyon.

Inggit lang siya kasi jowa ko si Gab! She's part of the past na hindi nga sineryoso ni Gab.

Napabuntong-hininga ako. Inaamin kong nakakaselos nga dahil ilang beses nang may namagitan sa kanila pero isa iyon sa mga past ni Gab na kailangan kong unawain at tanggapin. Lalo na't hindi pa naman kami magkakilala nung maging "sila".

Tinapos ko na lang ang lunch ko kahit na nawalan ako ng gana. Maghapon ang class ko kaya binaling ko na lang ang attention ko sa mga lesson.

Palabas na ako sa gate ng university nang makita ko ang familiar na bulto. Nagulat ako nang makita ko si Gab. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon