Chapter 54

2.8K 94 1
                                    


Chapter 54



"Relax Ged. Malapit na tayo" ani ni Gab na mas lalo pang binilisan ang pag-drive ng kotse niya papunta sa school ng kapatid ko.

Kanina pa ako hindi mapakali. Ang daming namumuong scenario sa isipan ko. What if hindi na makabalik sa Rancis sa akin? Oh god! Huwag naman sana.

Isang malaking katanungan ang kanina pang nasa isip ko. Si Alice ba talaga ang kumuha sa kan'ya? Paano nakalabas iyon? Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mabulok siya sa piitan.

Walang pwedeng kumuha sa kapatid ko. Magkamatayan man ay hinding-hindi ko siya ibibigay lalo na sa kan'ya!

Hindi nagtagal ay nakarating agad kami sa school ni Rancis. Pagbaba ko pa lang ng kotse ni Gab ay nakita ko na ang iilang mga pulis. Naroon din sina Lita, Tin at Joy.

"Gertrude!" tawag sa akin ni Joy nang makita niya ako.

Sina Tin at Lita naman ay napatingin doon sa kasama ko pero wala muna akong pakialam sa iisipin nila. Kailangan kong mahanap ang kapatid ko!

"Nasaan si Rancis?! Joy naman! 'Di ba binilinan kita na bantayan siya?" 'di ko na napigilan ang maging hysterical.

"Sorry Gertrude. Kung napaaga lang sana iyong pagsundo sa kan'ya, hindi hahantong sa ganito. Hindi namin sinasadya. Sorry" nag-aalalang saad ni Joy.

Huminga ako ng malalim. Sa ganitong sitwasyon, useless ang magsisihan.

"Ma'am, pasensiya na po pero nung tiningnan namin yung CCTV ng eskwelahan, kusa po talagang sumama ang kapatid niyo doon sa babae" nanlumo ako sa sinabi nung guard. "Baka po kakilala niyo lang naman ang sumundo sa kan'ya? Sabi nung isang nakakitang guard ay mukhang Mama niyo ang sumundo roon"

"Wala namang ibang sumusundo sa kan'ya kundi kami! At hindi ko 'yon nanay!" hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses.

I insisted to the school authority na makita ang clip ng CCTV bago nawala ang kapatid ko. Totoo nga ang sinasabi ng guard. Tahimik na naghihintay si Rancis sa isang bench ng school nang bigla itong tumayo at naglakad palapit sa gate. Lumapit siya sa isang babae at kinausap ito. Hindi masyadong makita ang itsura nito lalo na't nakasuot ito ng baseball cap at balot ang katawan niya ng jacket.

Hindi rin nagtagal ay sumama siya doon palabas ng school. At sa isang kuha mula sa CCTV na nakalagay sa labas ng gate ay nakitang sumakay sila ng taxi.

Muntik pa akong matumba sa kinatatayuan ko pero buti na lang ay nahawakan ako ni Gab. Malakas talaga ang kutob ko na si Alice ang babaeng iyon!

"W-wala ba kayong idea kung saan niya dinala ang kapatid ko? B-baka mapano si Rancis! Wala siyang karapatang ilayo si Rancis sa akin!" hindi ko na nakayanan pa't napaiyak na ako. Sinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko.

Hinigit ako ni Gab para yakapin.

"Ms. Gertrude, we will do our best to find your brother but we have to make sure muna kung nawawala po talaga siya. Halos ilang oras pa lang po ang nakakalipas mula no'ng huli siyang makita" ani no'ng isang pulis.

"Sure akong kinuha siya kaya nakikiusap ako na hanapin niyo siya! H-hindi niyo ba pwedeng makuha iyong plate number nung taxi na sinakyan nila? Baka ma-trace natin sila"

"Yes po Ma'am. Na-identify na po ng mga police ang sinakyan nilang taxi. Sa ngayon ay maghintay na lang tayo sa resulta ng kanilang imbestigasyon"

Bahagyang kumalas si Gab sa pagkakayakap sa akin. Maya-maya pa'y narinig kong may kausap siya sa phone niya.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon