Chapter 39

2.7K 104 0
                                    


Chapter 39



"Wake up Gertrude! Kailangan nating mahabol iyong sunrise!" naalimpungatan ako sa boses ni Tin.

Pagod na pagod pa ang buong katawan ko kaya hindi ko pinansin ang sinabi ni Tin sa akin. Imbes na bumangon ay tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Gising na Ged! Baka magalit sa iyo yung director, sige ka! Mamaya ka na lang magpahinga. Marami tayong gagawin ngayon!" sigaw sa akin ni Tin.

"10 minutes" sabi ko sa garalgal na boses at pinagpatuloy ang pagtulog.

"Alam kong pagod ka pero ano na lang ang sasabihin noong may-ari kung ma-late ka sa shoot mo?" mas lalo akong nawalan ng ganang bumangon dahil sa narinig ko. Eh 'di magalit sa akin iyong may-ari! He can fire and terminate me for all I care!

"Gertrude! Sige ka, tatawagan ko si Kuya Flynn at isusumbong kita!" panakot niya sa akin.

"Babangon na iyan! Dali na!" segunda naman ni Lita.

Dahil sa ingay ng dalawa ay napilitan akong bumangon kahit medyo masakit ang ulo ko dahil kulang pa ako sa tulog.

It's 4:30am at ngayon ang first day of shoot namin dito sa Batangas. Saktong pag-sunrise ay magsisimula na agad kami.

Umaga pa lang pero gusto ko nang matapos ang araw na ito.

"Hinanda ko na iyong liliguan mo. Mag be-breakfast ka ba?" tanong ni Lita sa akin.

"Coffee lang" kapag may shoot akong maagang-maaga na tulad ngayon ay hindi ako kumakain ng breakfast. Hihingi na lang ako ng makakain kapag nakaramdam ako ng gutom or kapag break na.

"Okay, magpapa-ready na lang kami ng sandwich kapag nagutom ka sa shoot" pumasok na ako sa banyo ng room nung hotel kung saan kami nagi-stay. Halos hindi ko pa mamulat ng todo ang mga mata ko dahil puyat pa ako. Gusto ko pang matulog!

At mas lalo kong gustong matulog kapag nai-imagine ko ang mangyayari mamaya. Bakit kasi nandito siya? Anong alam niya sa film production?

Muntik na akong makatulog ulit habang nakaupo sa toilet bowl nang sunod-sunod na katok sa banyo ang narinig ko.

"Gertrude! Huwag kang matutulog! Bilis na!" napabuntong-hininga na lang ako at binuksan ang shower.

Pinilit kong maligo kahit kumikirot ang ulo ko.

Nitong mga nakalipas na araw ay wala pa akong nagiging sapat na tulog. Sunud-sunod ang shoot namin sa movie na kadalasan ay umaga na natatapos. Dagdagan pa iyong schedule ko kahapon sa isang Sunday Variety Show na kinabibilangan ko at pagkatapos noon ay kailangan kong mag-attend sa isang movie premiere ng dati kong co-star kung saan gabi na natapos.

After nung movie premiere ay bumiyahe na kami papuntang Batangas. At imbes na magpahinga na sa biyahe kagabi ay hindi pa nangyari dahil kailangan ko pang paunlakan ang on-call interview sa akin ng isang radio station.

Almost 12am kami nakarating dito sa hotel kanina at dumiretso agad ako sa kama. Ilang oras pa lang ang nagiging tulog ko ay ginising na ako sa ganitong oras.

"Gertrude! Nasa baba na raw iyong production crew!" rinig kong sigaw sa akin ni Lita.

"Oo na! Nandiyan na!" binilisan ko na ang pagligo. Paglabas kong banyo ay nakita kong nire-ready na nila ang mga kakailanganin ko. May breakfast na rin na nakahanda sa mesa pero kinuha ko lang iyong kape.

"Mauuna na daw sila. Dito ka na rin namin aayusan para pagdating doon ay ready na ang lahat" tumango ako sa sinabi ni Lita. Pakainom ko ng kape ko at pakakain nila ng breakfast ay sinimulan na nila ang pag-ayos sa akin. Medyo natagalan pa nga dahil bago akong shower at kailangan pang patuyuin ang buhok.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon