Chapter 47

2.7K 105 1
                                    


Chapter 47



"Okay ka lang ba Gertrude? Baka gusto mong mag-share ng problema riyan?" napatingin ako kay Lita na kasalukuyang tinitingnan ako ng may halong pag-aalala.

"Okay lang ako" sagot ko.

"Alam kong may problema ka. Nandito naman ako kung gusto mo ng kausap" napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you" iyon na lang ang tanging nasabi ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi ko pa kasi kayang sabihin sa kaniya kung ano itong dinaramdam ko.

"Napansin ko kasing ilang araw ka nang malungkot. Hindi ka naman ganyan dati. Nape-pressure ka ba dahil masyadong public ang relasiyon niyo ni Jerome?"

"H-hindi lang naman tungkol dun"

"Basta, kung gusto mo ng makakausap, huwag kang mag-atubiling lumapit sa akin. Ilang taon na akong nagtatrabaho sa iyo kaya halos kilala na rin kita" nginitian ko si Lita. Natutuwa akong may kaibigan akong tulad niya.

Naisip ko lang na paano kaya kung malaman nila ang ginawa kong pagyaya kay Gabriel sa hotel noong gabing iyon? Maiintindihan ba nila ako o iisipin nilang masyado akong malandi?

Wala din silang alam tungkol sa nakaraan namin ni Gabriel kaya nahihirapan akong mag-open ng nangyayari sa akin. Isa pa ay iyong napaka-supportive nila sa amin ni Jerome.

Nitong mga nakaraang araw ay mas lalo akong nawawala sa sarili kaya mas lalo kong sinusubsob ang sarili ko sa trabaho.

Sa gabi naman kapag napag-iisa na ako sa kwarto ko ay umiiyak ako.

May parte kasi na hindi ko tanggap ang mga nangyayari ngayon.

Buti na lang ay wala kaming naging schedule pa na magkasama ni Jerome. Ang huli naming pagkita ay iyong sa photoshoot pa kung saan ko muling nakita si Erika.

Mas mabuti na ring ganoon dahil hindi ko pa kayang makita ulit si Jerome. Ayokong makita ang galit niyang tingin sa akin. Kung pwede lang na alisin iyon pero mawawala lang iyon kapag pinili ko siya.

Pero imposible sa ngayon na mangyari iyon.

At kahit sarili ko ay kinamumuhian ko dahil doon.

"Ready ka na ba Gertrude?" bungad na tanong ni Tin sa akin pagpasok niya pa lang sa dressing room ko.

"Yeah. Malapit na ba mag-start?"

"Oo malapit na pero ikaw naman ang huling rarampa" ani niya sa akin. Napansin ko rin na may bitbit siyang boquet ng red roses. "Siya nga pala, nakita ko 'tong bitbit nung guard sa labas. Para sa'yo daw kaya kinuha ko na" sabi niya sabay abot sa akin nung flowers.

"OMG! Baka kay Jerome galing! 'Diba nasa ibang bansa siya? Ang sweet niya naman" turan ni Lita.

Agad na kinuha ko iyong card at binasa kung kanino ito galing.

Congratulations Ged! Can't wait to see you again! Love you! XOXO

Your biggest fan,

V

"Hala! Sinong V? Another admirer? 'Di niya ba alam na may Jerome ka na?" tanong sa akin ni Tin na kasalukuyang binabasa rin iyong card.

"Siguro" tinabi ko na iyong bulaklak at hinarap sila. "By the way, iyan bang 7-inches heels ang susuotin ko sa runway? Baka madapa ako"

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon