Chapter 28

3K 105 1
                                    


Chapter 28

"Gising na Gertrude. May niluto akong breakfast. Maligo ka na rin para mahatid kita mamaya sa taping mo. May mga damit diyan , iyan na lang muna ang suotin mo" narinig kong sabi sa akin ni Kuya Flynn. Sinubukan kong bumangon at naramdaman ko ang pagsakit ng leeg ko. Hindi ako naging kumportable sa posisyon ng pagtulog ko kagabi pero okay lang iyon, at least may natulugan ako.

Iyak ng iyak ako na lumabas ng campus kahapon. Hindi na nga ako nakabalik ng library at hindi na rin ako pumasok sa scheduled class ko.

Hinabol ako ni Gab pero buti na lang ay mabilis ako kaya hindi niya ako naabutan. Nagtago ako ng ilang oras sa malapit na simbahan. Pagsapit ng hapon ay na-realize ko na ayokong umuwi sa bahay ko dahil paniguradong andun si Gab kaya lakas-loob akong pumunta rito sa condo unit ni Kuya Flynn para makitulog.

Kung nandito sana si Vanessa... kaso naisip ko na kilala na siya ni Gab kaya alam kong siya ang unang lalapitan niya kung sakaling nawawala ako.

Thankful ako kay Kuya Flynn na pinatuloy niya ako. Ako rin ang nag-insist na sa sofa niya na lang ako matutulog at pumayag naman siya. Kung tutuusin ay nakakahiya pero kinapalan ko na ang mukha kong pumunta rito.

Bumangon na ako at naligo. Pinahiram niya ako ng mga damit at sapatos para masuot ko mamaya sa taping. Nakakainis din dahil mugot ang mga mata ko at baka mahalat ito nila Direk mamaya.

"Okay ka na ba? Ano ba kasing nangyari kahapon?" nag-aalangan akong sagutin ang tanong niya pero sa huli ay sinabi ko.

"May kaunting problema lang po kami n-nung a-asawa ni Papa... at nung boyfriend ko" pag-amin ko.

Tumango ito nang marinig ang sagot ko.

"A-ano po, misunderstanding, parang ganoon" dagdag ko.

"Hiwalay na kayo?" dire-diretso niyang tanong. Halos mabulunan ako sa sinabi niya.

"H-hindi ko ho alam.." hindi pa naman kami break pero hindi ko alam kung ano ang status namin ngayon. Makikipaghiwalay ba ako? O papalipasin ko muna ang galit ko bago ko siya kausapin? Madadaan bai yon sa tamang usapan? Eh niloko niya nga ako.

Ang sakit lang isipin na katumbas lang ako sa isang mamahaling bagay.

Nakakainis. Nakakagalit.

Tahimik kaming kumain ng breakfast. Noong mga nakaraang araw lang ay masaya akong kasama siya tapos ngayon parang hindi ko kayang pakisamahan ang lalaking nagsinungaling sa akin.

"Uhm, Kuya Flynn.." umangat naman siya ng tingin sa akin.

"Yes?" aniya

"Kahapon po kasi, nakita ko sa twitter iyong about samin ni Jerome. Baka naman po magawan niyo ng paraan mawala iyong iilang articles tungkol sa amin.." request ko.

"No!" sigaw niya. "Mas mabuti ngang merong ganoon. Mas marami ang mag-aabang sa'yo sa paglabas mo sa drama. They're looking forward to see you with Jerome. Dahil ba roon kaya kayo nag-away ng boyfriend mo?"

"Hindi po. Hindi pa nga po niya alam iyong tungkol sa articles" paliwanag ko.

"Dahil bini-build up pa kayo ni Jerome, kapag may nagtanong sayo tungkol doon, be vague muna ha. Huwag mong sabihing wala kayong relasyon ni Jerome. Matu-turn off mga tao sa inyo niyan" saad niya.

I'm also bound by a contract kaya mas maigi na kung sumunod ako sa gusto nila.

Pagkatapos ng breakfast ay nagligpit at nag-ayos na kami. Ihahatid at sasama si Kuya sa taping ko.

"Wala ho ba kayong ibang gagawin Kuya Flynn?"

"Wala naman akong schedule sa ngayon kaya sasamahan kita. Ganito rin naman ako sa iba kong alaga lalo na iyong mga baguhan. By the way, nabasa ko iyong gagawin niyong scene today. Tama lang pala na umiyak ka kagabi" naalala ko iyong isu-shoot namin ngayon. Tutal ay may pinagdadaanan ako kaya madali akong umiyak nito mamaya.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon