Chapter 36
"Ate alam mo ba na mas lalong bumait iyong mga teachers ko sa akin mula noong malaman nilang kapatid kita?" natatawang kwento sa akin ng kapatid ko.
"Really?"
"Yap. Siguro ata kahit mag-absent ako, bibigyan nila ako ng high grades. Love na love kasi nila kayo ni Kuya Jerome"
"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin! Mag-aral ka ng maigi kung gusto mong mataas ang grades mo" bilin ko sa kanya. Habang lumalaki ang kapatid ko ay mas lalong nagiging pilyo ito.
"I'm studying hard ate! But I will study more if you will buy me a set of VR—"
"Baba na! Nandito na tayo sa school mo!" putol ko sa sinasabi niya. Ayan na naman kasi siya sa mga parinig niya sa akin sa mga gusto niyang gadgets. Kakabili lang sa kaniya ni Jerome ng Nintendo Switch!
"Si ate talaga" he pouted.
"Mamaya si kuya Nong ang susundo sa'yo at kainin mo kung ano ang ilulutong ulam ng ate Joy mo mamayang dinner. Understood? Baka hating-gabi na ako makauwi"
"Okay. Oh look, the kinder pupils are here! Ayun si Oli, yung tinulungan natin last time!"
"A-ah late na pala. Baba na kasi may pupuntahan pa ako" natigilan ako sa sinabi niya kaya naman pakababa ni Rancis sa kotse ay agad kong pinaharurot ang kotse ko.
Pero nadaanan ko kung nasaan iyong bata.
Nakita ko si Oli na masayang nag-lalaro kasama ang mga kaklase niya.
Sa maikling oras na nakasama ko siya ay masasabi kong mabait iyong bata. He's sweet and caring pero sa tuwing naaalala ko siya ay nasasaktan ako.
At dahil iyon sa tatay niya.
Kung may maganda mang nangyari, iyon ay may mga magulang si Oli at kumpleto ang pamilya niya. Sa tingin ko rin ay kasal na ang parents niya at maganda naman ang pagpapalaki sa kanya. Huwag niya sanang mamana ang sungay ng nanay niya.
Ano ba Ged! Ang harsh mo naman mag-isip!
Naka-move on na ako! Kung nasasaktan pa rin ako ngayon, iyon ay dahil sa galit ko sa kanila noon. Wala nang iba!
Pinagpatuloy ko na lang ang pag-drive ko hanggang sa makarating ako sa studio ng aming network. May rehearsal kasi ako ngayon para sa prod ko sa isang Sunday variety show.
"Hi Gertrude!" bati sa akin nung choreographer.
"Hello! Am I late?"
"No! You're right on time!" napansin ko na may mga nagpa-practice pa at pamilyar ang isa doon. "I sent you the video of the steps. Nakuha mo ba?" tumango ako. Napansin niya ata na tinitingnan ko ang nasa likod niya.
"That's Bea Fortalejo. Welcome prod sa kanya sa paglipat niya rito" sagot niya kahit hindi naman ako nagtatanong. "Ikaw pa rin ang star ng network, don't worry"
"Ikaw talaga. Hindi ko naman iyan iniisip" bakit ba karamihan sa kanila ay puro competition ang nasa utak? Gusto ko lang magtrabaho ng tahimik pero palagi na lang kinakabitan ng issue.
"Joke lang. Patapos na rin sila kaya ikaw na ang susunod" umupo muna ako sa tabi at pinagmasdan ang mga nagpa-practice. Maganda si Bea. Iyang inosente niyang mukha at galing sa pag-arte ang nagdala sa kanya sa tuktok. Sayang nga lang at dahil sa isang controversy ay nasira ang lahat.
Hindi ko namalayan na tapos na pala sila. Tumayo na rin ako pero nagulat ako nang lumapit sa akin si Bea.
"Nice to see you again Gertrude!" never pa kaming nagkasama sa work pero madalas kaming magkita sa mga events lalo na sa mga awards show. Kung tutuusin ay mas marami pa siyang napanalunang awards kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
Algemene fictieGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)