Chapter 50

3.2K 115 5
                                    


Chapter 50


"You're scaring me Gertrude. What happened to you?" tanong ni Gab sa akin habang mahigpit akong nakayakap sa kan'ya na parang walang balak na kumalas.

"Wala..." saad ko sa mahinang boses.

"Then why are you crying?"

"I'm sorry" kanina pa ako sa kan'ya humihingi ng sorry at alam kong naguguluhan na rin siya sa'kin.

Pinapasok niya ako sa condo niya pero ni kahit isang saglit ay hindi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kan'ya.

Sinubsob ko pa ang mukha ko sa dibdib niya at tahimik na umiyak. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko masabi. Sapat na muna siguro na kasama ko siya ngayon kahit sa maikling sandali.

Kumalas siya sa yakap ko at pinaupo ako sa sofa.

"I'll get you a water" ani niya ay nagtungo sa direksiyon na hula ko'y kusina niya.

Hindi nagtagal ay bumalik siya na may bitbit na isang baso ng tubig at binigay ito sa akin.

Kinuha ko ito at uminom. Sa dami ng nararamdaman ko ngayon, kailangan ko talaga ng tubig. Nang maubos ko ito ay binigay ko sa kan'ya ang baso. Nilagay niya sa tabi ng sofa ang baso at kumuha siya mula sa bulsa niya ng panyo at binigay sa akin.

"T-thanks" kinuha ko ito at pinunasan ang mga luha ko. Ramdam ko ang pagkakatitig niya sa'kin na para bang hinuhukay ang kaloob-looban ko.

Medyo nahimasmasan na ako at ngayon ay na-realize ko na nakakahiya ang ginawa ko. Basta na lang ako sumugod sa condo niya at hindi ko masabi-sabi kung bakit ako nandito.

Tapos bigla ko pa siyang nasampal. I'm such a horrible person.

"Kailangan ko nang umalis. I-I'm sorry about kanina" binalik ko sa kan'ya ang panyo niya at mabilis na naglakad palayo kaso bago pa man ako makalabas ng pinto ay malakas niyang hinigit ang kaliwang braso ko kaya napaharap ako sa kan'ya.

"Answer my question first. What are you doing here?" his intense gaze made my knees wobbly. Napaatras ako kaso lumalapit naman siya sa akin hanggang sa sumandal ang likod ko sa pader kaya nakulong ako sa pagitan ng mga braso niya.

"Uhm—aalis na ako" usal ko sabay iwas ng tingin.

"Hindi ka aalis hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko" mariin niyang sabi sa akin.

"A-ano, I went here to talk to you sana k-kaso 'wag na lang. I don't want to waste your time..."

"Why don't we talk now? And why were you crying?"

I sighed. This time ay tumingin na ako sa mga mata niya.

"Vanessa t-told me some things..."

"Like what?"

"I-I thought Oli's your son. I-I'm sorry, hindi ko alam" nakagat ko ang mga labi ko. "She explained everything to me" I heard him sigh.

"Oli's closer to me than Kuya Raf... It's understandable na ako ang akala nilang ama ni Oli"

"I was also desperate for more answers kaya... I talked to Erika" kita ko ang paglaki ng mga mata niya sa sinabi ko.

May namuo na namang luha sa mga mata ko nang maalala ko ang naging usapan namin kanina.

"Akala ko kasi siya 'yong anak mo kay Erika. Uhaw na uhaw ako sa kasagutan kung anong nangyari sa inyong dalawa. Gusto kong malaman mula sa kan'ya mismo kung ano talaga ang nangyari noon" bumuhos ulit ang mga luha ko. Pati ang mga mata niya'y may lumalabas na ring luha.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon