Chapter 14

3.5K 136 1
                                    


Chapter 14

"Ged, thank you. How are you?" nginitian ko siya ng pilit. It took me a week bago ko siya makaharap. I weighed on the consequences kung anong magaganap kapag kinusap ko ang tatay ko.

We decided to meet during our lunch time para kaunting oras lang kaming magkausap. May pasok pa kasi ako mamayang hapon.

"O-okay lang po." nauutal kong sabi. It's been three years since nung magkita kami and ngayong nakaharap ko ulit siya ay ang awkward nito para sa akin.

Ito rin kasi yung bilin sakin nung lola ko bago siya mamatay, hangga't maaari ay huwag na huwag ko na siyang kakausapin o lalapitan. Pero sa part ko malabo iyon kasi kahit papaano ay mabuti naman ang pakikitungo niya sakin magmula noong bata pa ako.

After all, he's still my father. My biological father.

"I'm sorry. I didn't know na patay na rin pala ang lola mo. K-kung alam ko lang dapat kinuha na kita. Di ka dapat nag-iisa." Sabi nito sa akin. Napansin ko naman ang mamasa-masa niyang mga mata.

Umiwas naman ako ng tingin at yumuko. Dapat ipakita ko sa kanya na kaya ko at kinakaya ko.

"Panatag ako nang iwan kita sa lola mo pero nung malaman kong patay na pala siya, hinanap agad kita. Sorry kasi ngayon ko lang nalaman. Nalaman ko rin yung nangyari sa bahay niyo kaya binawi ko ito sa bangko" napaangat ako ng tingin.

"P-po? H-hindi niyo naman po kailangang gawin iyon" kinuha ng bangko ang bahay ng grandparent's ko pero may balak naman akong bawiin ito pagnakapagtrabaho na ako at kapag nakapag-ipon na rin. Hindi pa ako naipapanganak nang malugi ang negosyo nila. May mga kailangan silang bayaran at unti-unti naman nila itong nababayaran taon-taon, iyon nga lang ay hindi sapat at mas lumala pa nang mamatay silang dalawa.

"That's the only thing I can do" inabot niya ang kamay ko. "Hindi dapat naghihirap ang anak ko" dahan-dahan kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Nag-order siya ng lunch kaya napilitan na rin akong kumain pero halos wala akong gana ubusin ito. Marami siyang tinatanong tungkol sa akin at sinasagot ko naman ito.

"Graduating ka na ba? Enough ba ang budget mo? Do you have a bank account? I'll send you money."

"No need pa. May ipon po si lola" ang pera ko ngayon ay galing lang sa educational plan ko. Ubos na rin kasi yung ipon ni lola pero hindi niya na kailangang malaman pa. Malapit na rin lang naman akong mag-graduate at maghahanap agad ako ng trabaho.

4 years ago nang pinutol ng lola ko ang komunikasyon sa sarili kong ama. Mas maganda na raw iyon para mas hindi na gumulo pa. Totoo iyon, naging tahimik nga ang buhay namin.

"I know. Kaya wala akong alinlangang ibinigay ka sa kanila kasi kahit papaano they can provide you everything. Pero wala na sila. Hayaan mong ako naman ang mag-alaga sa iyo"

"I can take care of myself!" medyo napalakas ang pagkakasabi ko nun kaya nagulat siya.

"S-sorry po." nginitian niya na lang ako habang ako naman ay nakayuko. "It's okay basta ubusin mo ang pagkain mo" tumango ako.

Walang nag-iimikan sa amin habang kumakain kaya binasag ko ang katahimikan.

"Uhm, alam po ba ng asawa niyo na k-kasama niyo ako ngayon?" umiiling ito.

"She doesn't need to know" tumango ako. I agree, she doesn't need to know. Magalit man ang papa ko sa sasabihin ko pero impakta ang napangasawa niya.

The reason kung bakit ako inilayo ng lolo't lola ko sa ama ay dahil doon. May iba na kasing pamilya ang ama ko.

Nang mapansin kong malapit nang mag-ala una ay nagpaalam na ako na may pasok pa ako. Halos pinigilan niya pa nga akong umalis kasi hindi pa kami nagkakausap ng matagal. Nagpumilit siyang ihahatid ako sa school pero tumanggi na ako.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon