Chapter 52

3.1K 103 4
                                    


Chapter 52



Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Una kong nakita ang mukha ni Gabriel na kahit tulog pa ay napakaaliwalas tingnan.

I kissed his forehead bago ako bumangon at nag-unat. Ang sarap ng naging tulog ko lalo na't kasama ko si Gab.

Iniisip ko pa lang iyong nangyari sa amin kagabi ay parang lumulubog na ang katawan ko sa saya. I can't believe it! Akala ko ay ayaw na niya sa akin kaya napag-isip isip ko na lalayuan ko na siya but then he asked for another chance. Bakit ako tatanggi?

Lumabas ako ng kwarto niya at doon na naghilamos sa kusina niya. Nagtingin-tingin din ako sa ref niya kung ano ang pwede kong maluto for breakfast. Gusto kong maging special ang umagang ito sa amin kahit sa simpleng paraan.

Mayroon akong nakitang eggs at hotdogs kaya niluto ko iyon. Wala akong makitang bigas or kahit kanin na pwedeng isangag pero mayroon namang sliced bread kaya ginawa ko na lang na toast bread.

Nagtimpla rin ako ng coffee para sa aming dalawa or kung ayaw niya, ni-ready ko iyong cocoa powder na nasa cabinet niya in case na mas prefer niya ang mag hot choco instead of coffee.

I was busy washing the plates and utensils na ginamit ko sa pagluto nang biglang may yumakap sa akin sa likod ng mahigpit.

"Thank God! You're still here. Akala ko umalis ka na" Gab said in a hoarsely voice.

"Bakit naman ako aalis?" natatawang tanong ko.

"Akala ko kasi nagsisisi kang bumalik sa akin" mas lalo niynag hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Bakit ako magsisisi? I'm here Gabriel. Hindi ako mawawala. Ito ang gusto ko at sarili kong desisyon ang bumalik sa iyo."

"I know. I'm sorry" he said and then kissed my neck. "You should've woken me up para nakapagluto ako"

"Huwag na" hinarap ko siya and cupped his face. "Let me do this for you lalo na't first day ulit natin ngayon as boyfriend and girlfriend" lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko.

"When I begged for another chance last night, akala ko magsisimula ulit akong manligaw. It turns out na tayo na pala ulit" sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayaw mo? Eh di break na tayo!" shortcut na nga iyong ginawa ko pero kung gusto niyang manligaw, eh 'di gawin niya.

"Just kidding. I love you Ged" he said and then he kissed my lips. Sana palaging ganito ang umaga ko, iyong kasama ko siya at parang walang pinoproblema.

"I love you too. Kain na tayo" umupo kami sa dining table niya. Nilagyan ko ng toast, hotdog and egg ang plato niya. "Coffee?" tumango siya. Binigay ko ang kape niya pero nanatili lang siya na nakatitig sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan?"

"I can't believe that your mine again" hinawakan niya ang kamay na para bang pinapigilan akong kumalas.

"Wala eh. Sa'yo pa rin ako bumagsak. Kain na"

"Mom will be glad if I'll tell her about us" biglang nawala ang ngiti ko sa narinig ko.

"Uhm, G-gab, about that... It's better if... alam mo na" kita ko ang pagbago ng expression ng mukha niya.

"We have to keep it a secret. I understand" ani niya sa mahinang boses.

"Okay lang ba na huwag muna nating sabihin sa iba? Tutal kakasimula pa lang ulit natin, dahan-dahanin muna natin ang lahat." I love his idea but it's not yet the right time to tell it to his family. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya lalo na't na-broadcast pa sa buong bansa ang pag-propose sa akin ni Jerome noon. Alam nilang si Jerome ang boyfriend ko at kapag nalaman nilang may relasyon na ulit kami ni Gab, malamang baka isipin nilang two timer ako.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon