Chapter 53

3.2K 105 1
                                    


Chapter 53



"Gertrude, any reaction doon sa kumakalat na issue na napaaway daw sa isang club si Jerome?" tumaas ang isang kilay ko nang marinig ko ang tanong sa akin nung isang showbiz reporter.

"Madalas siyang makita sa club gabi-gabi. May problema ba kayo? Break na ba kayo?" sunod-sunod na tanong sa akin nung reporter.

"Excuse me. Busy po si Gertrude, next time na lang po siya magpapa-interview" turan ni Tin doon sa reporter. Hinarang niya ang katawan niya sakin hanggang sa makapasok ako sa kotse ko.

"Doble na ang sweldo ko ha. Instant bodyguard mo na rin ako" biro sa akin ni Tin. "Joke lang"

"Thank you" kumuha ako ng wet wipes para alisin ang make up ko.

"Bukas ang photoshoot niyo para sa poster nung drama niyo ni Jerome"

"I know" muli nga kaming magkikita bukas ni Jerome. Kung ano man ang mangyayari bukas ay trabaho lang. Wala muna akong balak na makipaglapit sa kan'ya. I hoped that he learned his lesson well.

Kakatapos lang ng photoshoot ko sa isang studio at paglabas na paglabas ko pa lang ng building ay hinarang na ako ng isang reporter asking me about Jerome.

"Uhm Gertrude, alam mo na ba iyong sa blind item? May isang actor na gabi-gabi na lang daw kung malasing at madalas mapaaway sa club. 'Di man sinabi kung sino pero malakas ang ebidensiya na si Jerome ang tinutukoy lalo na't nanatili itong tahimik sa mga ibinabato sa kan'ya. Kaya mag-expect ka nang maraming reporters ang gusto kang ma-interview" she said.

I shrugged. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko lalo na't alam kong dahil sa akin kaya siya nagkakaganyan. Iyon nga lang, hindi niya naman kailangang maging marahas. Muntik na niya akong pagsamantalahan noon at ngayon naman ay nakikipagbasag-ulo. Can't he grieve without hurting anyone?

"I hope na magawan niya 'to ng paraan" iyon na ang tanging nasabi ko.

"Iyan ang nagagawa ng mga broken hearted" saad ni Lita. Hindi na lang ako umimik. Hindi ko naman sinasabi sa kanila ang totoong estado namin ni Gab pero sa tingin ko ay may ideya na sila lalo na't madalas akong umalis tuwing gabi. Hindi na rin naman sila nagtatanong kung saan ako pumupunta o natutulog.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa sala ay ang busangot na mukha ni Rancis ang nakita ko.

"What's with the face, brotha? May problema ba?" tumabi ako sa kan'ya.

"Si Kuya Jerome, sabi niya pupuntahan niya ako at maglalaro kami doon sa bago kong gaming set-up pero hindi pa rin siya pumupunta rito. I always text him pero hindi naman siya nagre-reply" naiinip na sabi niya.

"He's busy" I said. Ayokong malaman niyang pinagbawalan ko si Jerome na makipagkita sa kan'ya. Mabuti na lang 'din at sinunod ni Jerome ang hiling ko. "H-huwag mo munang pilitin siya lalo na't kabi-kabila ang schedule noon."

"Eh pa'no yung game namin?" nakakunot ang noo niya habang tinatanong ako.

"No problem! Tayo ang maglalaro!"

"Ayoko! Hindi ka naman marunong!" tama siya, hindi naman talaga ako marunong.

"Sa Saturday, turuan mo ako" kinurot ko ang pisngi niya. "Are you done with your homework?"

"Yes ate. Kanina pa po! Promise me that you'll contact Kuya Jerome"

"Y-yeah. Kaso super busy siya kaya kahit ako ay baka hindi niya kausapin" pakiramdam ko ay may kaunting bagay na bumara sa lalamunan ko. Ang hirap kapag nagsisinungaling ka sa kapatid mo.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon