Chapter 22
"Happy 7th Monthsary Ged..." naalimpungatan ako sa narinig ko. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin sa likod at hinahalikan ang leeg ko.
Inalis ko ang nakatakip na eye patch sa mga mata ko at lumingo sa likuran ko. Doon ko nakita si Gab sa likod ko.
"Ang aga pa Gab..." muli akong bumalik sa dati kong pwesto at muling pumikit. Hindi pa kaya ng ulo ko ang magising kaya matutulog ulit ako.
"Continue sleeping. I'll join you" ang dami kong gustong tanungin pero mas nangingibaw ang pagkaantok ko kaya ay natulog ulit ako.
Hindi ko alam kung ilang oras ulit ako natulog. Nagising na lang ulit ako na mataas na ang tirik ng araw sa labas. Yakap-yakap naman namin ni Gab ang isa't-isa.
Unti-unti akong gumalaw para kunin ang phone ko sa bedside table. Pagtingin ko ay 10:30 am na pala. Bumangon na ako at nakita kong nakasando at naka-boxer shorts lang si Gab. Napangiti na lang ako. Loko talaga ito.
Mahimbing ang tulog niya kaya iniwan ko muna siya sa kama ko at bumaba para sana magluto ng almusal or brunch kaso may nakita na akong patong patong na mga pancake sa mesa. Sa tabi nito ay may rose at may kasabay pang greeting card na "Happy Monthsary".
Oh shoot.
Monthsary namin pala ngayon. Todo effort siya tapos nakalimutan ko pa. Parang gusto kong pukpukin ang sarili ko.
Ni wala man lang akong naibiling regalo sa kanya. Ang tanga ko.
Hindi excuse na busy ako para makalimutan ko itong araw na ito. Maliban kasi sa one month na lang ay graduation na, nag-eextra ako ngayon sa isang teleserye. Kahapon ay buong magdamag ang taping at 3am na nag-pack up ang mga crew kaya ngayon pa lang ako nagising.
Kakaloka, dalawa lang naman ang linya ko pero inabot kami ng ilang take.
Di man ganon karami ang scene ko tulad nung mga bida at mga supporting role, may mga araw na kakailanganin pang nandoon ako. Buti na lang ay na-defend na namin iyong thesis namin.
Nagtimpla ako ng coffee para sa amin ni Gab. Kinuha ko rin yung mga pancake na niluto niya at nilagay ko sa tray. Inakyat ko ito sa kwarto ko para doon na kami kumain ni Gab. Buti na lang alam ni Gab kung saang parte sa labas ng bahay ko tinatago ko iyong excess na susi.
"Gab. Gising na!" kung kanina ay ako ang napakahimbing ang tulog, ngayon naman ay siya. Niyugyog ko ang balikat nito pero walang response. Akala ko nga ay di na magigising pero bigla niya na lang hinatak ang kamay ko kaya napahiga ako at siya namang pinaibabawan ako ni Gab.
"Good morning" he said in a deep husky voice.
"Good morning too. Happy monthsary Gab" I said to him. Pinaghahalikan niya naman ang pisngi ko. "Dinala ko na rito sa kwarto ko yung niluto mong pancakes. Kain tayo" sabi ko sa kanya.
Umalis siya sa ibabaw ko at kumuha ng isang kapirasong pancake sa bedside table. Doon ko kasi nilagay iyong tray.
"How's your shoot?" tanong nya habang sinisimsim ang coffee na gawa ko.
"Okay naman" binuksan ko ang tv sa loob ng kwarto ko at nagsisi akong binuksan ko pa. Yung commercial ko with Jerome ang tumambad sa amin. Isasara ko sana kaso pinigilan na ako ni Gab.
"Don't turn it off. I'm okay" he smiled at me.
Ilang beses na kasi niya itong napanood kaya siguro nasanay na siya. Ewan ko ba, ilang months nang nakakalipas pero hanggang ngayon ay nipe-play pa nila yung commercial namin. Wala namang problema sa akin kaso hindi ko alam kay Gab.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
General FictionGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)