Chapter 46

2.7K 84 2
                                    


Chapter 46



Nagising akong parang binagsakan ng malalaking bato ang ulo ko. Hindi ko rin magawang idilat ng mabuti ang mga mata ko. Nararamdaman ko rin ang lamig ng hangin na dulot ng aircon sa kwarto.

May humigit ng bewang ko kaya mas lalo kong nayakap ang anumang malaking bagay sa tabi ko. Napawi nito ang lamig na nararamdaman ko.

"I love you so much Ged"

"I love you too...Gab"

Matutulog na sana ulit ako nang may marinig akong mga boses sa utak ko. Napadilat ako ng mga mata ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi!

Una kong nakita ang mukha ni Gab na ngayon ay tulog pa. Nakayakap siya sa akin habang ako naman ay nakasandal sa kaniyang katawan.

"Oh my god..." I said to myself.

We're also both naked under the sheet. Lasing man ako pero natatandaan ko ang mga katarantaduhang nagawa at nasabi ko sa kaniya kagabi.

Napakagago mo Ged! Hindi ka na nahiya sa kaniya!

At higit sa lahat, hindi mo na ginalang ang pamilya niya!

Napansin ko ang paggalaw niya kaya napabalik ako sa pagkakahiga at tumalikod sa kaniya. Magpapanggap na lang ako na tulog hanggang sa umalis siya ng kwarto. Tama! Ganoon nga!

Naramdaman ko ang pagbangon niya at pag-alis ng kama. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala na akong narinig na ibang ingay.

Akala ko ay umalis na siya kaya minulat ko na ang mga mata ko at bumangon na pero laking gulat ko na lang nang makita ko siyang nakaupo sa sofa. He's already wearing his pants pero wala pa rin siyang saplot sa itaas niya.

"Good morning" bati niya sa akin. I also realized na basta na lang akong bumangon without covering my body kaya naalarma ako. Kinuha ko iyong kumot at tinakpan ang katawan ko.

Ni hindi ko siya matingnan sa mga mata. Nahihiya ako!

"I put your dress and undies on the bedside table" niilingon ko iyong tinuturo niya at naroon nga iyong mga damit ko na maayos na nakatupi. Sa tabi nito ay naroon iyong wallet ko. "Ginamot ko rin iyong sugat mo habang tulog ka" kaya naman pala may benda na iyong sugat ko. At hindi na masyadong mahapdi.

"T-thanks" that's all I can manage to say.

"I ordered breakfast"

"No need. Aalis na rin ako" mabilis kong kinuha iyong mga damit ko at pumasok ng banyo. Mabilis akong nag-shower at sinuot ang dress ko.

Damn you Ged! Anong kagaguhan ang pumasok sa utak mo at naglasing kang mag-isa? Kung wala doon si Gab ay baka ibang lalaki na ang nakasama ko kagabi.

Pagkatapos kong mag-shower ay muli kong sinuot ang dress ko mula kagabi dahil wala namang iba akong isusuot. Ilang minuto muna akong nag-stay sa loob, iniisip kung ano ang sasabihin sa kaniya paglabas ko rito sa loob ng banyo.

"Ang tanga-tanga mo talaga Ged" usal ko sa sarili ko.

"Napakaboba mo! Paano na lang kung may paparazzi kagabi?" mukha na akong tangang naglilitanya sa loob ng banyo. Nagsisisi talaga akong nag-bar hopping akong mag-isa at sumama kay Gab dito sa loob ng hotel room.

But as far as I remember, ako ang nagyaya sa kaniya rito!

Nabalik na lang ako sa huwisyo ko nang may kumatok sa pinto.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon