Chapter 11

3.7K 134 1
                                    


Chapter 11

"Ged iha! Nandito yung sundo mo, kanina pa naghihintay!" natigilan ako sa narinig ko. Ang aga ko na ngang nagising tapos maaga rin palang pupunta rito ang mokong na iyon.

Naka bihis na ako at ready na sanang papasok sa school nang tawagin ako ni Tiya Neli. Sinadya ko rin na agahan ang pag-alis para naman di ko makasalubong ang tukmol na iyon pero di ko naman aakalaing pupunta iyon dito ng maaga.

"Kung di ka pa lalabas ako ang papasok sa kwarto mo" kumatok ito ulit sa pintuan ko kaya naman ay dali-dali akong bumalik sa higaan at tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko at nagkunwaring tulog.

"Ged, kanina pa—ay tulog pa" narinig kong sabi ni tiya at muling sinara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag. Muntik na ako dun ah. Hindi muna ako aalis ng bahay. Bahala siyang mamayat sa kakahintay sa akin.

Hindi ko na siya kinausap magmula nung inistorbo niya ang klase ni Ma'am Millena. Mahigit tatlong araw na rin ang nakakalipas at tatlong araw ko na rin siyang hindi pinapansin!

Narinig ko ang muling pagbukas ng pinto at muling pagsarado ulit nito. Baka hindi convinced si Tiya Neli na tulog talaga ako. It's 6am in the morning, akala ko makakapunta na ako ng school pero dahil nandito ang Gab na iyon ay naisipan kong mamayang tanghali na lang ako papasok. Tutal almost 3am na rin naman ako natulog tapos 10:30am pa ang klase ko. Naisip ko rin na hindi na muna ako magdu-duty sa library ngayong araw.

Hindi na ako nag-abalang bumangon. Pinikit ko ang mga mata ko at dahil siguro wala akong masyadong tulog ay di ko namalayan na nakaidlip ako. Nagising na lamang ako na may mga braso na nakapulupot sa aking bewang. Nanlaki ang mga mata ko kaya tiningnan ko agad kung sino itong nasa tabi ko at halos mamanhid ang buong katawan ko ako nang makita ko si Gab sa tabi ko.

Anong ginagawa niya dito?

Sisigaw na sana ako nang may maisip akong ideya. Dahan-dahan kong inalis sa bewang ko ang kamay niya. Dahan-dahan ko ring sinuot ang sapatos ko at kinuha ang mga gamit ko. Ni-lock ko rin ang mga drawer at cabinet dahil baka mamaya kung ano pang gawin nito sa kwarto ko.

Nilagay ko sa tabi niya ang teddy bear na binigay niya sakin noon. Tama, siya na lang ang katabi niya.

Ngiting-ngiti ako nang makita siyang mag-isang natutulog sa kwarto ko. Kawawang Gab, naiwan na!

Maingat ko ring sinara ang pinto ng kwarto at bumaba na ng hagdan. Buti na lang at wala akong nakitang kahit na sinong housemates ko paglabas ng kwarto ko. Naglakad ako papuntang school tumambay na lang ako sa mga bakanteng classroom hanggang sa magsimula na ang klase ko. Pero hindi ko inaasahan na makita si Gab pagkatapos ng klase ko. Halatang hinihintay niya ako.

Tatakbo na sana ako nang mahabol niya ako at hinigit ang pulu-pulsuhan ko.

"Where are you going?" aba, ang taray ng pagkakasabi niya. Diba dapat ako ang galit sa aming dalawa?

Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. "Ang dami ko pang gagawin. See you when I see you!" naglakad ako palayo pero sinabayan niya naman ako sa paglalakad.

"Ba't mo ko iniwan?" I rolled my eyes sa tanong niya. "Hinintay kitang magising tapos iniwan mo lang ako dun sa kwarto mo."

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ko? And sorry also, hindi na kita ginising pa kasi ang himbing ng tulog mo. Manyakis ka pala, basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ng babae!" may tumawag sa kanyang pangalan kaya I grabbed the opportunity na matakasan siya.

Nasalubong ko naman sa hallway si Betty. Niyaya niya akong pumunta nang canteen para mag lunch kaya sumama na rin ako.

"Uy diba ngayon yung last day ni Gab as student assistant?" natigilan ako sa narinig ko. Ngayon pala iyon. Ang dami kong iniisip para maalala pa iyon. Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon sa tanong niya.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon