Chapter 31

2.9K 96 4
                                    


Chapter 31



Matagal kong tinitigan ang hawak ko. Halos sabunutan ko na rin ang sarili ko. Anong gagawin ko?

"Ano iyan?" sinubukan kong itago ito kaso huli na dahil nakita na ito ng kaibigan ko. Inagaw niya agad sa kamay ko at tinitigan ito.

"OMG! Buntis ka?" gulat na sambit niya.

"Akin na iyan!" inagaw ko sa kamay niya ang isang piraso ng pregnancy test na kinuha niya sa akin.

"Alam na ba ng jowa mo ito? Matutuwa iyon!" excited na turan niya. Ako naman ay nanlumo. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang sitwasyon ko.

"Hindi ko alam" mahina kong usal.

"Oh bakit? May problema kayo?" hindi ako nakasagot. "Naku! Hindi pwedeng ganyan! Nag-away ba kayo? Bakit?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Huminga ako ng malalim saka siya sinagot.

"Ceasefire muna kami. Akala niya kasi mahal ko pa rin ang ex ko" agad kong pinunasan ang lumandas na luha sa pisngi ko.

"Ibig sabihin lang noon ay wala siyang tiwala sa iyo. Eh ang tanong, mahal mo pa ba siya? O yung present na ang mahal mo?"

"Siyempre iyong present. Hindi ko naman ibibigay sa kanya ang virginity ko kung hindi ko siya mahal"

"So bale hindi mo mahal iyong ex mo kasi hindi mo naman nabigay sarili mo sa kanya?"

"Hindi ko alam. Wala naman akong pakialam sa kanya"

"Oo nga. Huwag mo nang isipin pa iyon. Masaya na siguro sila nung nabuntis niya" I smirked. Sa isip ko ay pinatay ko na iyon.

"Kung ako puntahan mo na iyang jowa mo at sabihin mo sa kanya ang sitwasyon mo! Kung hindi man naging successful iyong pag-aartista mo noon ay sana kahit sa lovelife ay maging successful ka! Now go to your baby daddy and tell him how much you love him!"

"Baka hindi niya ako kausapin..."

"Hay naku! Eh ang tanga niya naman kung hindi pa siya maniniwala sa iyo"

"Cut! Good job!" sigaw nung director sa amin. Ngumiti ako sa co-star ko at sa mga staff na naririto.

"Nice Ged! Ang galing mo talaga!" lapit sa akin nung make-up artist ko na si Lita. Inayos niya ang buhok ko at binigyan ako ng retouch. "Ang bilis mo talagang maluha. Anong secret mo?"

"Mani na lang iyan sa isang katulad niya. Diba Ged?" singit naman nung P.A. ko na si Tin.

Nginitian ko na lang sila. Actually, kanina ko pa sinusubukan magfocus. Hindi kasi ako masyadong maka-concentrate sa character ko.

Hindi ko alam kung saan humugot ng inspirasyon ang scriptwriter nitong movie. Bigyan ba naman ako ng character na hindi nalalayo sa totoong buhay ko? Ang sakit lang sa ulo.

"Ayos ka lang Ged? Gusto mong magpahinga sa tent?"

"I'm okay. May ilang scenes pang kailangang matapos then after this ay matutulog ako ng bongga pag-uwi ko"

Halos one week na akong walang sapat na tulog. Buong maghapon at buong magdamag ang naging schedule ko nitong mga nakaraang araw. Ang tanging nagiging pahinga ko na lang ay ang mga break sa pagitan ng mga shoots ko.

"May mga fans ka na naghihintay sa labas. Buti naman at behave lang sila" sabi sa akin ni Lita.

"I'll talk to them later" palagi akong nagbibigay ng oras sa fans ko. Kung hindi naman dahil sa kanila ay wala naman ako sa kinatatayuan ko.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon