Chapter 59

3.7K 117 2
                                    


Chapter 59


"Madalas kitang makita sa mga event kung nasaan si Gertrude. Ikaw yung ex-boyfriend niya, am I right?" I was silently watching Gertrude's performance on her mall show from afar when a very feminine guy walked up to me.

"N-nagkataon lang.." I shrugged. I know this guy. Ito ang manager ni Gertrude.

Tumabi siya sa akin at pinanood din si Gertrude na kasalukuyang nasa stage.

"She's our rising star. Her fanbase is growing kaya hindi na ako magtataka kung sisikat pa siya lalo. Gumagaling na rin siya pag-acting. Nagsisisi ka bang pinakawalan mo siya?" his words felt like a knife stabbing me. Hindi ko siya pinakawalan, siya ang bumitaw at naiintindihan ko iyon.

I didn't answer his question. Wala siyang alam sa mga nangyari at kung kakausapin ko pa siya ay mas uusisain niya lang ako.

I don't even know why he's talking to me.

"Excuse me. I need to go. Napadaan lang ako" paalam ko rito. Bakit kailangan pa niya akong lapitan?

Hindi totoong umalis ako. Nag-iba lang ako ng pwesto para mas mapanood ng maayos si Ged. At para hindi ako madistorbo ng manager niya.

This has been my routine for the past few months, follow Gertrude wherever she goes. Kung saan ang fanmeet at mall show niya ay naroon din ako. Gusto kong naroon din ako habang inaabot niya ang mga pangarap niya kahit na wala na ako roon.

She's gracefully dancing onstage. Everyone's cheering for her except itong mga katabi ko na binibigyan ng malisya ang pagsayaw niya.

"Ang galing gumiling nitong baguhang artista na ito. Tiyak gano'n din ata kapag nasa kama siya" narinig kong sabi nung katabi ko. Pinigilan ko ang sarili ko dahil baka masuntok ko siya.

"Oo pero mas maganda pa rin sa akin si Bea Fortalejo" sabi nung kasama niya.

"Mas maganda 'tong si Gertrude. May potential 'tong maungusan si Bea. Mas maputi siya at mas sexy" buti na lang at may mga taong sumingit kaya naharang sila mula sa akin kasi kung hindi ay sinuntok ko na ang mga bastos na lalaking ito.

I continued watching her. She's now being interviewed onstage and the audience is screaming her name. She's popular now. Her social media accounts are now close to one million followers.

The crowd went wild when Jerome went up on the stage. May hawak din itong isang boquet ng bulaklak at ibinigay kay Gertrude.

And there I saw Gertrude's expression. It's overflowing with joy. Tuwang-tuwa siya sa binigay ni Jerome sa kan'ya.

"GeRome! GeRome! GeRome!" napailing na lang ako sigaw ng mga fans niya. What kind of name is GeRome?

At bakit kailangang sa harap pa ng mga tao ibigay ang flowers kung pwede lang namang ibigay sa kan'ya ng personal? I'm positive that what he's doing is just for clout. At para mas lalong umingay ang pangalan niya.

Hindi naman siya sisikat kung hindi dahil kay Gertrude. I researched about him. Matagal na siyang nasa showbiz pero ngayon lang umugong ang pangalan niya dahil maganda raw ang 'chemistry' nila ni Gertrude.

Kaya kahit hindi pa tapos ang palabas ay umalis na ako't tumambay na lang sa malapit na coffee shop. Hindi man ako nanood, tinapos ko pa rin ang event.

The show finished at exactly midnight. Umalis na rin ako nang magsiuwian na ang audience. Papasok na sana ako sa kotse ko na nakaparada sa underground parking lot nang may tumawag sa akin.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon