Chapter 1

13K 270 11
                                    


CHAPTER 1



"Ged, wala ba talaga akong pag-asa sayo?" I rolled my eyes matapos marinig ko ang sinabi sakin ni Ken, iyong lalaking matagal na akong nililigawan. Pareho kaming Student asisstant dito sa library at habang nasa duty kami ay bigla ba naman akong tanungin ng ganito.

"Sinabi ko na sa'yo noon at sasabihin ko ulit sayo ngayon. WALA. Alam mo naman na ayoko sa mga ganyan" sabi ko dito. Napabagsak na lamang ng kanyang mga balikat ang kasama ko. Okay lang naman sa akin makipag relasyon yun nga lang, alam kong hindi si Ken ang para sa akin. Feeling ko kasi hindi kami mag-mamatch. At saka ayokong pumasok sa relationship, feeling ko rin kasi na masasayang lang ang oras ko diyan pati pera mo mauubos sa mga date date na yan.

"Ken, tawag ka ni ma'am" tawag nung isang estudyante sa kanya. Parang gusto kong pasalamatan ang langit dahil para niya na rin akong niligtas.

"Mamaya na daw natin makukuha yung allowance. Ayos ah, maaga nating marereceive" sabi sakin nung kapwa ko ding SA. Napatango na lang ako. Since 1st year college ay SA na ako sa isang private university which is Skylard University. Hindi naman kasi ako mayaman at lalong lalo na't ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. Grandparents ko ang nagpalaki sa akin kaso nga lang nang mamatay sila ay wala na akong kasama sa buhay. Maliban sa educational plan na hinulugan nila para sa akin at sa mga antigong gamit na pinamana sa akin ay wala na akong nakuha pa nang mawala sila. At least siniguro nilang makakapag-aral ako kahit wala na sila.

Nag-apply akong student assistant para may discount ako sa tuition fee ko at magkaroon ng allowance. Isa din akong part time model kaya ang mga kinikita ko ay sapat lang para sa sarili ko. Sayang nga at hindi ako masyadong matalino para maging scholar, nagsisipag na lang ako mag-aral para mataas ang grades ko.

Kasalukuyan akong nag aarange ng mga books sa shelf nang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello?" bulong ko sa kausap ko sa phone.

"Ged!" sigaw nung sa kabilang linya.

"Hoy Vanessa, nasa duty ako. Sabihin mo na ang sasabihin mo, baka mamaya mahuli pa ako nung librarian" bulong ko sa kanya.

"Photoshoot tomorrow. 6pm. Game?" tanong nito sa akin.

"Sure count me in" sagot ko dito at pagkatapos nun ay binaba ko na ang tawag dahil baka mahuli pa ako. Bawal kasi iyon habang nasa gitna kami ng aming duty dito sa library.

Yung tumawag sakin ay si Vanessa. She's my closest friend but I don't consider her as my bestfriend. Wala akong bestfriend. Ayoko kasing tawagin siyang bestfriend ko lalo na't magkaibang society ang pinanggalingan namin. Madalas kaming magkasama sa mga photoshoot dahil tulad ko, model din siya kaso ang pinagkaiba namin ay mayaman siya samantalang mahirap naman ako. Palagi kaming nagsasama sa trabaho kaya doon nagsimula yung pagkakaibigan namin. Halos alam niya na ang buhay ko kaya kapag may photoshoot siyang nalalaman, pinapasama niya na ako.

As of now, almost supermodel na ang status ni Vanessa samantalang ako hanggang extra extra lang. Kailangan kong mag focus muna sa study lalo na't ilang buwan na lang ay ga-graduate na ako sa college. Matutupad ko na rin ang pangako ko sa lola at lolo ko. Mabubuo ko na rin ang mga pangarap ko.

"Pinapapunta ka ni ma'am sa office niya" sabi sakin nung isa sa mga kasamahan ko kaya dali-dali kong tinapos ang ginagawa ko at pumunta sa office niya.

"Ma'am, pinapatawag niyo raw ho ako?" naabutan ko ang librarian namin na may kausap sa office niya. Nakatalikod ito kaya di ko masyadong makita ang mukha nito.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon