Chapter 27

2.9K 97 0
                                    


Chapter 27



Hindi na naman ako nakatulog.

Matapos kong mabasa ang text ni Erika kay Gab ay agad kong binalik sa dati ang phone niya. Paglabas niya ng banyo ay nagpanggap akong tulog. Agad din siyang nahiga sa tabi ko at hindi rin nagtagal ay naririnig ko na ang hilik niya.

Curious ako tungkol doon sa text ni Erika pero natatakot akong magtanong. Alam niyang may relasyon kami ni Gab pero bakit pa rin siya text ng text? Alam ko namang hindi tanggap ni Erika na wala sila ni Gab pero hindi ko maiwasang ma-curious.

Hay! Kung anu-ano nang naiisip ko.

Umayos ka Gertrude! Masyado kang paranoid! Eh ano naman kung nag-tetext siya? At base doon ay sigurado akong galit si Erika sa kanya dahil hindi na siya pinapansin ni Gab.

Kung anu-ano na namang pumapasok sa ulo ko kaya ayan tuloy, hindi na naman ako nakatulog ng maayos.

Naramdaman ko na lang na gumalaw si Gab sa tabi ko. Humarap ito sa side ko at niyakap ako na parang unan. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

I wonder kung gaano kahirap sa kanya ang magpigil kanina. Parang na-guilty nga ako sa ginawa ko.

Hinarap ko ang mukha niya sa akin. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang mukha at hinaplos-halos ang cheeks niya. Hindi ko akalaing may isang taong tulad ni Gab ang darating. Ilang beses na niyang sinabi kung gaano niya ako kamahal kaya alam kong wala akong dapat na katakutan.

Kailangan ko ring ayusin ang pagiging selosa ko.

'Di rin kalaunan ay nakatulog ako.

Nagising na lamang ako sa sikat ng araw na tumatama sa katawan ko. Mag-isa na lang ako sa kama ko. Wala doon si Gab pero may hula na ako kung nasaan siya.

Bumangon ako at naghilamos. Pagbaba ko ay nakita ko nga si Gab na busy magluto sa kusina ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"Good morning" I whispered to him.

"Good morning Ged" humarap siya sa akin pero parang naestatwa nang makita ako.

Doon ko lang narealize na ganun pa rin ang suot ko tulad kagabi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong tinitingin-tingin mo?"

"Nothing" ani niya. Umiwas siya ng tingin ay pinagpatuloy ang niluluto.

"Uy, ano iyang niluluto mo?" kumislap ang mga mata ko nang makita kung ano ang niluluto niya. "OMG! Champorado?! Favorite ko iyan! Marunong ka pala niyan magluto"

"Yap, si mama ang nagturo niyan sa akin" gusto ko nga sanang biruin siya na kaunti na lang ay pwede na siyang mag-asawa pero huwag na lang.

Tamang-tama pala ang pagbaba ko dahil matapos ang ilang sandali ay luto na ito at ako na ang nag-volunteer na isalin ang niluto niya sa malaking mangkok.

"May evap milk dito. Favorite ko iyan na panghalo" sabi niya sa akin.

"Ayoko ng evap milk! Gusto ko iyong powdered bear brand pero hindi ko hinahalo. Pinapatong ko lang sa champorado. Mas masarap kaya iyon! Sayang nga lang at wala akong stock ng tuyo. Perfect combination sana sila" ani ko.

"Si mama ayaw niyang sinasamahan ng dried fish" ganado naming kinain ang champurado ni Gab.

Sa sobrang excited kong kumain ay agad kong sinubo iyong champorado niya kahit mainit. Nabitawan ko ang hawak kong kutsara ay pinaypayan ang napasong dila. Agad namang dinaluhan ako ni Gab.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon