Chapter 15

3.6K 131 1
                                    


Chapter 15

"Papa please. He didn't mean it. I'm sorry po. I'm sorry.." kulang na lang ay lumuhod ako sa harap ng ama ko.

"Ano ba ang nakita mo sa lalaking iyan at sinagot mo? Basagulero na at mukha pang addict, bigla na lang nambubugbog!" hindi ko siya magawang tingnan sa kanyang mga mata. Ang dami ko ring gustong sabihin pero hindi ko malabas sa aking bibig. Patuloy lang ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata at sa tingin ko ay hindi ito titigil anytime.

"Pa, h-hindi niya naman po ata sinasadya..."

"Hindi niya sinasadya?! Are you kidding me?!" halos magimbal ako sa lakas ng boses niya pero hindi ako pwedeng masindak. Kailangan kong makausap si Gab pero pinipigilan ako ng papa ko.

"P-papa.." hindi ko na masabi pa ang mga gusto kong sabihin dahil halos sumisinok na ako sa tagal ng pag-iyak ko.

"Huwag na huwag mong ipagtatanggol sakin ang lalaking iyon dahil nakita na mismo ng dalawang mata ko kung anong klaseng nilalang siya!" napapikit na lang ako sa narinig ko. Kahit ako'y naguguluhan sa ginawa ni Gab pero alam ko rin naman sa sarili ko na may kasalanan ako. Hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa ama ko.

"L-let me talk to him" bago pa man makasagot sa suhestiyon ko ang papa ko ay agad akong pumasok sa tabing pinto.

Inisa-isa ko ang mga rehas na nadaanan ko at sa may pinakadulo ay doon ko siya nakita nakaupo at parang nakatingin sa kawalan.

"Gab!" parang nakabalik siya sa sarili niya nang marinig ang pangalan niya.

"'Ged! What are you doing here?" mahinahon niyang sabi sakin.

"Gab! I'm sorry! Hindi ka dapat nandito" mas lalong naglandas ang mga luha ko. Hindi dapat ito nangyayari sa kanya!

"No Ged. I'm sorry kasi—" hindi natapos ang sasabihin niya nang bigla na lang hinila ni Papa ang braso ko palayo sa kanya.

"Ged aalis na tayo!"

"Pasensya na ma'am. Hindi po pwedeng basta basta na lang kayong pumasok dito" sabi nung pulis na nakasunod sa ama ko. Sumunod na lang ako sa sinabi niya.

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Alam kong may kasalanan ako kung bakit nauwi sa ganito ang nangyari. Dapat pala kinuwento ko na lang kay Gab ang tunay na estado ng aking pamilya, eh di sana kilala niya ang Papa ko.

Naalala ko nang makita ko sa kanyang mga mata ang kalituhan nang malaman niyang ama ko ang binubugbog niya kung saan bigla na lamang siyang napatigil. At dahil doon, agad na tumawag si papa ng pulis para ipakulong si Gab. Hindi na man umangal si Gab nang kunin siya ng mga pulis. Masakit makita iyon at kahit na ayaw akong pasamahin sa presinto ay nagpumilit ako. Kailangan kong makagawa ng paraan!

Partly, alam ko rin na may kasalanan si Gab dito. Bigla na lang kasi siyang nanunugod na hindi alam ang nangyayari. At di ko rin inaasahang mapapaaga ang uwi niya.

"Ged let's go. I'll make sure na mananatili iyang boyfriend mo sa kulungan"

"Papa no! P-please" sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Maghapon akong walang pahinga tapos wala pa rin akong tigil sa pag-iyak.

Naiintindihan ko naman si papa pero... paano si Gab?

Ayokong umalis dito na hindi siya okay!

Pilit akong pinapauwi ni Papa nang matanaw kong papasok ng presinto ang dalawang bulto na pamilyar na pamilyar sa akin. Nang makalapit ito ay agad nila akong nakita.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon