Chapter 37

2.7K 95 3
                                    


Chapter 37



Nakaupo ako sa may tabi ng dagat. Hindi ko rin pinupunasan ang mga luha kong kanina pa umaagos pero nang may makita ako na paparating ay saka ko pinunasan ang pisngi ko. Nakilala ko naman kung sino ito kaya diniretso ko ang tingin ko sa dagat.

Umupo siya sa tabi ko.

"I'm sorry" tiningnan ko siya. Buhat niya ang batang babae na ngayon ay tulog na sa kanlungan niya.

"Wala akong silbi" dagdag niya. "Hindi dapat ako naging duwag. Nagtiwala dapat ako sa'yo" ang kaninang matapang niyang boses ay basag na ngayon. Hinaplos niya ang ulo ng bata at hinalikan ito.

"Ni hindi ko man lang siya nakitang lumaki" tuluyan na ngang umiyak si Jerome habang yakap si Liberty. Tiningnan ko rin si Liberty na ngayo'y kunwaring tulog sa bisig ni Jerome. Kunwari ay awang-awa ako sa anak ko.

"Huwag na tayong magsisihan" saad ko. "Hindi pa naman huli ang lahat. Tuwang-tuwa pa ng si Liberty nang makilala ka" dagdag ko pa.

"Thank you so much Cheska" tukoy niya sa character ko.

"I'm doing this for my daughter, Richard" I told him. Muntik ko nang masabi ang totoo niyang pangalan.

Pareho na kaming nakatingin sa medyo maalon na dagat, nanatiling tahimik at pinapakiramdaman ang bawat isa. Walang nag-dare na magsalita.

"Cut! Very good! Nakuha niyo iyong mood kaya no need for retake" tuwang-tuwa na sabi nung director.

Agad namang gumalaw si Liberty at ibinaba siya ni Jerome.

"Nasaktan ka ba Liberty? Careless ata ako nung binuhat kita" paumanhin ni Jerome doon sa child star.

"I'm okay po!" masiglang sabi nito sa amin. Hinaplos ko ang buhok niya. Ang cute niya talaga! Lumapit na sa kanya iyong P.A. niya kaya nagpaalam na siya sa amin.

"Sayang at may pasok si Rancis. Nakasama sana siya sa taping natin ngayon" narinig kong sabi ni Jerome sa akin kaya hinarap ko siya.

"Oo nga. Last week sumama iyon kaso wala ka naman" I'm always thankful that Rancis found someone to look up to and that is Jerome. Siya na ang naging kuya-kuyahan niya habang lumalaki siya.

"Tell him na bibisita ako sa weekend" tumango ako bago lumayo sa kanya para salubungin ang papalapit na sila Tin at Lita.

"Ang galing niyo naman, after one take ay nakuha ninyo na iyong scene! Ang galing din ni Liberty kanina habang na-meet niya tatay niya! Isahang take, umiyak agad! Ano ba ang sikreto niyong mga artista kayo? Ikaw din, unang sabak pa lang kaninang umaga ay ang lakas na ng hagulhol mo" bilib na sabi sa akin ni Tin.

"Kapag nasanay ka na ay hindi ka na mahihirapan pang umiyak" explain ko sa kanila pero sa katunayan ay hindi. Madali lang akong umiyak dahil na-trigger na naman ako nung nangyari kagabi.

Naiinis na din ako sa sarili ko. Eh ano naman kung naroon siya? It's been years Ged! Nevermind the past and focus on your future!

Pero itong mata at luha ko ay may sariling isip.

"Oh lunchbreak na muna. Mukhang matatapos agad ang shoot! Ang galing nung mga actors eh" ani ni Lita. Bumalik na kami sa tent ko par sa lunch break. Nagpakuha na lang ako ng lunch kay Lita dahil gusto kong mag-stay dito sa loob. Katabi lang ng tent namin ang kila Liberty kaya pumunta ako sa kanila.

Pagpasok ko doon ay nakita ko si Liberty na may kung anong pinanonood sa phone niya katabi ang P.A. niya. Ni hindi ko mahagilap ang nanay niya kaya sa tingin ko ay wala siya rito.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon