Chapter 4

5.6K 172 4
                                    


Chapter 4



"Katy, nandyan ba ang tiyahin mo?" tanong ko dun sa pamangkin nung landlady namin habang nagbabasa ng makapal na libro. Wala yatang araw na hindi ko siya nakikitang nag-aaral. Halos apat na taon ang tanda ko sa kanya pero mukhang mas marami na tong alam kaysa sa akin.

"Tiyang, hanap ka ni ate Ged!" sigaw niya at maya-maya'y lumabas ang tita niya na may hawak pang mga damit na tutupiin.

"Tiya Neli" bati ko sa landlady namin. "Heto na po yung bayad ko sa upa. Mag-aadvance na rin ako ng two months" sabi ko sa kanya. Tatlong buwan na akong hindi nakakabayad ng upa sa boarding house na tinitirahan ko. Binigyan niya ako ng talaan para makapagbayad ng dalawang linggo kung hindi ay paaalisin na ako rito. Buti na lang at nadiskartehan ko kahapon, may pambayad tuloy ako ngayon.

Tinanggap nung landlady yung bayad ko at binilang ito. Inamoy-amoy pa nga niya ito dahil halatang bago ang mga pera na mukhang nanggaling pa sa banko at kung tawagin nung iba ay malutong pa.

"Buti na lang at nakapagbayad ka na. Mukhang lumalaki na ang kita mo sa pagmomodel na yan. Ipasok mo nga rin itong pamangkin ko" turo niya kay Katy na sa ngayon ay seryosong nagbabasa ng textbook niya.

"Tiyang naman. Alam mo namang ayoko sa mga ganyan" iritang sabi ni Katy.

"Aba, pandagdag kita lang naman at saka para makapag-ipon ka. Hindi lahat ng oras ay dapat kang nakaasa sa tatay mong nasa abroad" pangaral ni Tiya Neli sa pamangkin niya. Napailing na lang ako. Kung alam niya lang gung gaano kahirap ang ginagawa ko. Hindi naman kataasan ang bayad sa akin, may mga oras din na hindi ako nababayaran.

"Oh sige, ho papasok na ako Tiya Neli at Katy"paalam ko sa kanila.

"Mag-ingat ka anak" mababait naman sila yun nga lang kapag business ay business. Kung wala ka nang pambayad ay umalis ka na sa boarding house nila. Mabuti na lang at napapakiusapan ko sila kapag wala pa akong pangbayad. Ang maganda rin kasi sa inuupahan ko ay wala silang rules. Wala silang curfew kaya okay lang na umuwi ako ng hatinggabi galing sa trabaho ko. Wala rin akong ka roommate kaya parang solo ko ang isang kwarto.

Umalis na ako ng boarding house at naglakad papunta ng school. Naisipan kong pagtaguan muna ng ilang araw si Gabriel pero imposible iyon. Anong sasabihin ko kung tanungin niya ako kung nasaan yung pera niya? Sinadya ko talaga yung nangyari kahapon na iwan siya dun sa lugawan. Deserve niya kasing maparusahan. At dahil nakalimutan ko isauli yung libo-libo niyang pera, pinambayd ko na lang. mas kailangan ko iyon kaysa sa mga luho niya. Galing ko talaga dumiskarte!

Dahil mamaya pa ang pasok ko ay nagduty muna ako sa library. Pagpasok ko roon ay ang nanlilisik na mga mata ni Gabriel na nakatuon sa akin ang bumungad sa akin.

Napalunok ako ng sarili kong laway. Sa tingin pa lang niya ay mukhang galit na sa akin.

Malamang Ged, galit yan sayo. Iniwan mo na nga sa lugawan kahapon, hindi mo pa sinauli yung pera niya. Sinong hindi magagalit sa ginawa mo?

Tinatagan ko ang loob ko. Lumapit ako sa attendance sheet para magpirma nang lumapit sa akin si Gabriel.

"I enjoyed our date yesterday" sabi niya sakin.

"Really? Nag-enjoy din ako" ngumiti ako sa kanya ng pilit.

"It was fun" sabi niya. Tumango ako at dali-daling umalis sa tabi niya papunta sa area na naassign sa akin.

Paglingon ko ay nakita ko siyang nakasunod sa akin. Aalis sana ako nang harangin niya ako at idikit ako sa dingding. Buti na lang at walang ibang tao rito. Kinulong niya ang mga braso niya kaya wala akong kawala sa kanya.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon