Chapter 43
"Jerome Martin and Gertrude Morales' latest movie is close to being the highest grossing film in the Philippine Cinema" itong article na ito na naka-post online ang unang balitang bumungad sa akin ngayong umaga.
Two weeks ago pa lang mula nang mag-showing ito sa mga sinehan pero ang laki-laki na ng kinita. I'm really glad na maraming tumangkilik dito.
"Congratulations Gertrude!" biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Tin, Lita, Joy at Rancis. Pinaulanan din ng confetti ang buong kwarto ko!
"Thank you so much!" bumangon na ako sa kama at niyakap sila. Nakaka-overwhelm naman itong nangyayari. Hiniling ko lang naman na sana ay magustuhan ng viewers ang pelikula namin pero heto at sobra pa ibinigay ni Lord sa amin.
"Gulat din kami nang mapanood namin iyong news. Phenomenal ka talaga!" tuwang-tuwa na sabi sa akin ni Lita.
"Siyempre, hindi lang para sa akin ang achievement na ito. Lahat naman tayo naghirap, from staffs, writers, directors at kahit kayo!" sabi ko kay Lita. "Let's call for a celebration! Anong gusto niyong breakfast? Pa-deliver na lang tayo!"
"Aminin niyo, na-curious ang madlang pipol sa una niyong bed scene ni Jerome kaya lahat pumila sa sinehan! Nga pala, no need na magpadeliver! Nagluto si Joy ng maraming pancakes at meron ding ube pandesal sa baba" saad ni Tin.
"Okay! Hintayin niyo na lang ako sa baba! Sorry hindi pa pala ako naghihilamos! Kayo kasi eh!" natatawa kong sabi sa kanila.
"Ate, I called Kuya Jerome. Sabi niya he'll be here tomorrow" ani sa akin ng kapatid ko. "Busy daw po siya ngayon"
"Okay" sabi ko sabay gulo ng buhok niya.
"Uy, bati na sila. Ayiii!" parang mga naiihing mga kiti-kiti sila Lita.
"Ano ba kayo, o-okay lang kami" okay nga ba? Hindi na kasi siya tumatawag sa akin. Akala ko ay busy lang siya pero nakakausap niya naman ang kapatid ko kaya alam kong nagtatampo pa iyon sa akin.
"Ganoon talaga ang mga lalaki Gertrude, protective lang sila sa mga babae nila kaya hindi mo naman siya masisisi" napailing na lang ako.
After the premiere night, may mga pictures at short video clips namin ni Jerome ang kumalat online. It was during the premiere night kung saan parang nagkasagutan kami. Makikita sa pictures ang parang pag-away namin. That was the time na nainis si Jerome dahil naroon si Gab.
The people and fans assumed na nagalit si Jerome dahil sa revealing kong suot. May articles pa na ayaw ni Jerome na sumusuot ako ng ganoon.
Kung alam lang nila pero hindi na ako nag-comment pa doon. Hinayaan ko na lang ang mga tao sa kung anong isipin nila sa amin.
Naligo na lang ako at nagsuot ng jeans at tshirt in preparation for today's celebration. Matapos nun ay bumaba na ako para mag-breakfast.
Pagdating ko sa dining room ay naroon na rin iyong mga kasamahan ko sa bahay. Si Rancis naman ay umagang-umaga ay nakapangbahay pa at naglalaro na ng Nitendo Switch.
"Bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.
"Wala kaming pasok" dinig ko sa boses niya ang lungkot.
"Family Day niyo ngayon di'ba?" namilog ang mata niya sa sinabi ko.
"You knew?"
"Of course! Kaya maligo ka na't magbihis dahil pupunta tayo ngayon sa school mo!" ngumiti siya ng napakalawak pero maya-maya'y nawala ulit ito.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
Ficção GeralGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)