Chapter 42

2.8K 97 0
                                    


Chapter 42


"Hi ate Ged! You're so pretty po" napangiti ako sa puri sa akin ni Liberty. Nasa dressing room ako nang pumasok siya roon mag-isa.

"Ikaw rin naman. Mas maganda ka pa nga sa akin eh" sabi ko sa kanya. Hinaplos ko ang pinakulot na buhok niya.

"No, mas maganda ka po" kinurot ko ang pisngi niya. Ilang araw ko na lang na makakasama ang batang ito. Tapos na ang shoot ng movie namin at bago ang premiere night bukas ay may huling mall show kami ngayon.

"Ready ka na sa performance mo?"

"Yes po! Nag-practice po kami ni Mama kagabi" tuwang-tuwa niyang sabi.

"That's good. Are you having fun?" tumango ito.

"Manonood po si Mama mamaya" sagot nito sa akin. Palagi niya namang kasama ang nanay niya, I wonder kung anong meron at parang special ang araw na ito sa kaniya.

"I'm gonna miss you Liberty, call me kung may kailangan ka ha? Or gawa ka ulit ng project dito" biro ko sa kanya. She's really adorable kaya lahat ay kinagigiliwan siya. She's only five pero diretsong-diretso na siya magsalita.

"I like it here po! Mabait po kayo pati si Direk!" tumaas ang isang kilay ko.

"Why? Hindi ba okay ang trato sa'yo sa set ng drama mo? May problem ba doon?" matagal siyang tumingin sa akin at sa huli'y umiling ito.

"Wala po. Mas happy ako rito kasi mas mabait po kayo" she said. I don't even know if she's lying or not.

Nasa gitna kami ng pag-uusap nang pumasok iyong stage director sa dressing room ko at sinabihan na kaming mag-ready na. Unang magpe-perform sila Liberty at sa last part kami ni Jerome lalabas.

Lumabas na si Liberty sa room at ako naman ay naiwang mag-isa doon dahil nasa labas sila Tin.

I'm trying to relax myself. Nitong mga nakaraang araw ay nalulungkot ako tuwing mag-isa ako kaya mas lalo kong inaabala ang sarili ko. Buti na lang ay palaging puno ang schedule ko kaya nadi-distract ako.

Dahil okay at ready na rin naman ako kaya lumabas na ako ng dressing room. Iyong isang production assistant ay binigyan ako ng microphone.

"Okay na ba iyong backing tracks? I won't sing kung wala noon" I told him. Ang malas ko naman at hindi ako biniyayaan ng magandang boses. Isang linya pa lang ng acapella, baka pagbabatuhin na ako ng kamatis. I'm trying naman to improve, iyon nga lang ay hindi pa sapat.

"Y-yes po Ms. Gertrude"

Pumunta na ako sa backstage. Naroon na rin si Jerome na hawak na rin iyong mic niya at tinitingnan sa monitor ang performance ngayon ni Liberty sa stage.

Lumapit ako sa kanya.

"Galing ni Liberty!" sabi ko. Wala siyang reaksiyon sa sinabi ko. Sa tingin ko ay hindi niya ako narinig.

"Hey, we got a matching shirt!" sabi ko pa but he just snobbed me. Anong problema ng isang 'to?

"Yoohoo!" kinaway-kaway ko ang isang kamay ko sa harap ng mukha niya. He glanced at me for a few moment pero binalik din niya ang tingin niya sa screen.

Tumaas ang kilay ko. May problema ba ito? Daig pa ang babaeng may buwanang dalaw kaya hindi ko na lang pinansin.

Hanggang sa matapos ang mga naunang performers ay hindi niya ako tinapunan ng kahit isang tingin.

"Let us welcome the greatest loveteam of our generation, GeRome!"

Hindi kalaunan ay tinawag na kami nung host para sa performance namin. He even held my hand at inalalayan pa akong umakyat ng stage. Paakyat pa lang kami ay puro nakakabinging sigawan ang narinig namin. Hindi ko na rin makita ang mga mukha nung audience dahil sa nakakasilaw na mga flash mula napakaraming camera.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon