Chapter 9
"Ano tinitingin-tingin mo dyan?" saway ni Gab sa kapatid niya.
"Nakakadiri ka kuya. Ilan na ba silang sinabihan mo niyan?" ngumiti naman si Jhud ng nakakaloko at muling binalik ang atensiyon sa nilalaro niyang ps4.
"Sana ma-game over!" sigaw ni Gab sa kapatid niya. Nagsagutan pa ang dalawang magkapatid kaya naman ay pinagmasdan ko na lang ng maigi ang kapalibutan ng bahay nila. Ang ganda talaga tapos may isang napakalaking chandelier sa gitna ng sala. Siguro mas maganda yung vibes kasi malaki yung pamilya niya.
Tumakbo naman papalapit sa amin si Zera na may hawak na magazine.
"Ate Ged, ikaw to diba?" sabay buklat ng magazine na hawak niya at pinakita sa akin ang isang page na advertisement ng isang clothing brand. Isa ako dun sa apat na babaeng nasa picture. Naalala ko yan, last year pa yan, yan pa rin pala yung ginagamit na picture namin. Di na rin naman ako kino-contact nung brand na yan, baka ayaw na nila sa akin.
"Yup! Ako nga yan!" nakakatuwa 'tong kapatid ni Gab. Siguro madali niya akong na recognize kasi very light na make up lang ang ginamit ko and hindi masyadong na-photoshop.
"You're prettier in person!" lumabas naman mula sa kitchen ang mama nila na may dala-dalang putahe at nilapag ito sa mesa nila. "Ma look! Si ate Ged pala to!" bigla naman akong nahiya sa tinuran ni Zera.
"Really!?" sabay tingin ni Tita sa magazine. Nakakahiya naman. Kung tutuusin extra lang naman ako diyan.
"She's pretty mom! Pero di sila bagay ni kuya!" sabi niya habang nakakunot ang noo. Bigla naman nagpantig ang mga tainga ko. Oh no. Ayaw niya ba sakin?
"Zera don't say that!" pinagalitan naman siya ng mommy niya. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila.
"It's true mommy! Warfreak si kuya. Mas bagay si Ate Ged kay Kuya Raph!" napataas ang isang kilay ko. Seryoso ba itong batang 'to sa sinasabi niya?
"Zera!" di ko alam na narinig din pala ni Gab ang sinabi ng kapatid niya. Lumapit ito sa mag-ina at pinalibot niya sa leeg ng kapatid ang mga braso niya. "Kung ano pinagsasabi mo ha" kiniliti nito ng kaunti ang bewang ni Zera.
"Kuya let me go!" nakawala naman yung kapatid niya. "It's true no! Di kayo bagay kasi warfreak ka! Mas bagay si Ate Ged kay Kuya Raph kasi mas mabait siya!" binelatan nito ang kuya niya. I laughed mentally. Ang cute kasi nilang mag-away.
"Stop it you two! Ayusin niyo na ang mesa at nandyan na ang papa niyo!" lumabas ang mama nila at nang bumalik ay kasama na nito ang lalaki na hula ko ay yung asawa at tatay nila Gab. Siya kasi yung nasa family picture nila.
"Umuwi nga ng maaga yung anak mo, ikaw naman yung na late ng dating" sermon nung mama nila. Lumapit naman ang magkakapatid sa kanya at iisang nag kiss at nag mano sa kanya. Lumapit naman sakin si Tita at hinarap sa asawa niya.
"By the way, this is Ged. Bisita ni Gab" pakilala sakin ni Tita sa asawa niya. "This is Charles, my husband. Just call him Tito." nakipag-kamay naman ako sa kanya.
"You're my son's girlfriend?" oh my god. Eto na naman tayo. Umiling ako sa sinabi niya.
"Hindi raw eh. Paniwalaan na lang natin." Sabi niya habang natatawa. Natawa rin ang kanyang asawa. "C'mon dinner's ready."
Sumunod na lang ako sa kanila papunta sa kanilang dining room at pianupo na kami dun. Ang daming pagkaing nakalapag sa mesa tapos may cake pa sa gitna, talagang nakakagutom pero nakakaramdam ako ng hiya kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
Ficción GeneralGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)