Chapter 56

2.8K 84 2
                                    


Chapter 56


Buong gabi akong hindi mapakali. Hindi ko kayang tingnan si Gab at mas lalong hindi ko kayang tumingin kay Bea.

She knows everything. At kahit na sabihin kong hindi naman talaga kami ni Jerome, iba ang magiging impact n'on sa kanya.

Should I trust her? Mukha naman siyang mabait pero there's something about her na hindi ko kayang pagkatiwalaan ng buo lalo na't hindi ko naman talaga siya kilala.

I can't focus myself during the whole event. Pakiramdam ko ay nahihilo ako sa dami ng iniisip. Mabuti nga't nakakausap ko pa ang mga lumalapit sa akin.

After ng event ay nagpaalam agad ako na uuwi na. I texted Gab na uuwi na ako. May plano pa sana kaming magkita after this event kaso baka may makakita na naman sa amin.

Me:

I need to go Gab. I'm sorry if I can't meet you after the event. Good night.

Gab:

I understand. Good night. I love you.

Napabuntong-hininga ako. Hindi deserve ni Gab ang itago ko siya. Hindi naman siya nagrereklamo sa situation namin pero na-realize ko na napaka-unfair ko.

Napapagod na kaya siya sa set-up namin? What if sumuko siya? Will I let him go?

Being in a relationship with me is like a big sacrifice and he took the risk. Ako? Ano naman ang kayang kong i-sacrifice sa kan'ya?

I received another text from Gab.

Gab:

I'm right behind your car. I'll follow you to make sure you're safe.

Napangiti ako sa ginawa niya. Sumilip ako sa likod at nakita ko nga ang kotse niya na nakasunod sa akin.

Me:

Okay lang sana na sinusundan mo ako but please, stop texting while driving. Ayoko ng pasaway na boyfriend.

Buti naman at sinunod niya dahil wala nang kasunod na text pa ang dumating mula sa kan'ya. Sinundan niya talaga ako hanggang sa gate ng village namin. Nang makapasok na ako ay saka namang pag-alis ng kotse niya.

Sinalubong ako ng katahimikan pag-pasok ko ng bahay. It's almost midnight at halos tulog na ang lahat ng tao rito. I went straight to my room para magpalit.

And to calm myself, I soaked my body to the tub. Hindi ko pa rin kayang kumalma matapos ang huling pag-uusap namin ni Bea.

I'm scared, not for myself but for Gab.

Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni nang tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Gab. I picked it up at answered it immediately.

"Hi!" pilit kong pinasigla ang boses ko.

"Hello Ged. Are you asleep? Did I disturb you?" he asked on the other line.

"No! 'Di pa naman ako natutulog. Ikaw? Nakauwi ka na ba?" I asked him.

"Yep. I'm on my bed right now. What are you doing?"

"Hulaan mo.." I bit my lip "...I'm actually naked right now"

"Why are you naked?! Ano ba talagang ginagawa mo?!" mukhang nakikita ko na sa isip ko ang confuse nitong mukha at ang kunot nitong mga kilay.

"Chill Gabriel! Malamang hubad ako kasi nasa bathtub ako. Ikaw ha, kung anu-ano ang pinag-iiisip mo!" tumawa ako ng malakas pero nanatili siyang tahimik sa kabilang linya.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon