PLEASE BE MINE – Special Chapter
"Good evening po ma'am!" bati sakin ng kasambahay ko pakalabas ko ng kotse. Kadarating ko lang sa bahay matapos ang ilang oras na meeting sa agency ko at idagdag pa iyong dinaanan ko bago ako umuwi dito.
"Good evening too. Nandyan na ba si Gab?" na-eexcite tanong ko sa kasambahay namin.
"Nandyan na po ma'am. Kanina pang alas kwatro ng hapon nakauwi" sagot nito sa'kin.
"Si Rancis?"
"Pauwi na po ma'am. Sinundo na po nung driver" nagpasalamat ako sa kanya at dire-diretsong pumasok ng bahay.
Agad kong hinanap si Gab sa living room pero wala akong nakita na tao. Malakas ang kutob ko na naroon siya sa kwarto namin kaya mabilis at na-eexcite akong naglakad paakyat.
Tama nga ang hinala ko na naroroon siya dahil pagbukas ko ng pinto, isang Gabriel Ocampo ang nakaupo sa kama namin habang may pinapanood sa ipad niya.
"Papa, when I grow up, I want to be a tricycle driver!" rinig kong sabi nung bata sa video na pinapanood niya.
"Really? Eh di ngayon pa lang ay mag practice ka na. May tricycle ang lolo mo diba?"
"Yes! I love riding in his tricyle all the time but Mommy won't allow me"
Tumikhim ako at doon nabaling ang atensiyon niya sa'kin mula sa pinapanood niya. Mabalis din ang tibok ng puso ko ngayon. Sana ay hindi niya mahalata.
May good news ako pero 'di muna pwedeng sabihin.
"Busy?" I went to him and then I kissed him on his cheeks. Tumabi din ako sa kinauupuan niya at pinanood din ang video.
Actually, ilang beses ko nang napanood ang video na ito pero hindi kami nagsasawang panoorin ito lalong-lalo na si Gab. Ang cute kasi ni Oli.
I really miss that child so much.
"Not really. Just reminiscing some old memories with Oli" he said as he kissed my forehead. "I'm glad you're early tonight. Akala ko mamaya ka pang hatinggabi uuwi"
"Nakipag-meeting lang naman ako sa mga big boss. At wala naman akong shoot today"
Hindi ko iniwan ang pag-aartista. I'm still accepting gigs and roles pero hindi na kasing dami tulad nung dati bago ako magpakasal kay Gab.
Nakukuha pa rin akong main lead sa mga dramas and movies, may mga product endorsement pa rin naman akong nare-receive kaya at the end of the day, thankful pa rin ako.
I am proud to say that I was able to stand up on my own. Nabuwag man ang loveteam namin ni Jerome, gumanda naman ang karera namin kahit na magkahiwalay pa ang daang tinahak namin.
Jerome is still active in showbiz too. Nagkikita pa rin kami madalas sa mga shows, movie premieres and events. Civil naman kami sa isa't-isa, nagpapansinan at nag-uusap pero hindi na kami tulad nung dati.
Humupa na rin iyong issue sa amin noon. Parang sa isang iglap ay naka-move on na ang lahat. Parang tanggap na ng madla lalong lalo na nung fans namin na may mahal akong iba at kasal na ako.
Natapos iyong short home video na pinapanood niya at in-off iyong ipad.
"Do you have a schedule tomorrow?" tanong ni Gab sabay harap sa'kin.
"Wala" I answered.
"How about the next, next day?" tanong niya ulit.
Umiling ako.
BINABASA MO ANG
Please Be Mine [Completed]
Ficción GeneralGabriel and Gertrude, two people who were played by fate. (Photo not mine. Credits to the real owner)