Chapter 33

2.8K 87 0
                                    


Chapter 33



Five thirty pm nang sinundo kami ni Jerome sa bahay. Hindi pa nga ako nakakalabas sa gate ay tumakbo na si Rancis papasok sa kotse niya.

"Good evening Kuya Jerome!" masiglang bati niya rito.

"Hello there Rancis!" nag-high five pa ang dalawa. Ako naman ay pumasok na rin sa kotse niya at umapo sa front seat.

"Sandali lang tayo ha, may pasok pa ang kapatid ko bukas"

"Nood lang tayo ng sine at magdi-dinner then iuuwi ko na kayo. How are you buddy?"

"I'm okay Kuya! Nasaan na po iyong promise mong Nintendo Switch?"

"Here" may kinuha si Jerome sa tabi niya na paper bag at ibinigay iyon sa kapatid ko.

"Wow!!!" agad na kinuha niya ito ay dali-daling binuksan. "Thank you Kuya! You're the best!"

"Hep hep hep! Mamaya na muna iyan!" kinuha ko sa kapatid ko ang Nintendo Switch na naka-box pa. Hinarap ko naman si Jerome.

"Hindi mo dapat siya binilhan nito"

"Huwag mo nang isipin iyan. Hindi na rin iba sa akin si Rancis" tumingin siya sa kapatid ko. "Nood muna tayo ng sine. 'Diba gusto mong mapanood iyong new Marvel movie?"

"Oh yes! And let's order a lot of popcorn!" excited na sabi niya sa amin.

Sa isang exclusive cinema niya kami dinala. Kaunti lang ang capacity sa loob ng sinehan at limited lang ang pwedeng pumasok kaya malaya kaming makakagalaw lalo na't may kasama kaming bata.

Isang jacket hoodie ang suot ko at ganoon din si Jerome. Pinasuot ko naman ng tshirt, pants and baseball cap ang kapatid ko.

"Dito ko kayo dinala kasi kaunti lang tao kapag ganitong oras. May mga tao naman pero I doubt kung makilala tayo" kahit ballot pa rin kami ng jacket ay sure akong may makakilala sa amin.

"Don't worry, wala naman sa akin kung may makakita sa atin. Inaalala ko lang ay si Rancis" I make sure na kahit once a week ay nakakapag-bonding kami ng kapatid ko at mabuti na lang dahil nagyaya si Jerome ngayon.

"Hindi iyon. Tara na!" pumasok kami sa loob. Si Rancis naman ay patalon-talon pa lalo na't favorite niya ang papanoorin namin. He's a huge fan of Marvel movies. Sa kanya ko natutunan na ibang grupo pala sina Batman, Superman at Wonder Woman kay Iron Man, Spider Man at Captain America.

Hindi tulad sa ibang sinehan, dito ang mga upuan ay mga cozy recliner seats. May mga waiter din na nakatayo sa may entrance para maka-order ng drinks and popcorn.

"Anong flavor ng popocorn ang gusto niyo?" tanong sa amin ni Jerome.

"Cheese!" sigaw ni Rancis.

"Plain lang sa akin" sabi ko.

"Okay" kinuha niya ang phone at maya-maya'y dumating ang waiter at hinatid ang order namin. Sinamahan din namin ito ng fries and drinks.

Titig na titig sa amin iyong waiter habang ibinibigay iyong order namin. Nang makaalis na ito ay hinarap ko si Jerome.

"He was looking at us. Nakilala niya kaya tayo?" bulong ko. Nasa tabi ko siya samantalang katabi naman niya si Rancis na busy kakapanood nung mga movie trailers sa screen.

"Madalas na mga celebrity ang mga client nila kaya alam kong mananahimik ang mga iyon. Relax okay?" hinawakan niya ang kamay ko.

"Okay lang ako" tiningnan ko si Rancis na ngayo'y sa magkahawak na kamay na namin nakatingin. Binitawan ko naman ang kamay ni Jerome.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon