Chapter 35

3K 94 0
                                    


Chapter 35



"Ate, ang boring dito. Sama na lang ako sa'yo. Hindi ako magpapasaway. Promise!" napabuntong-hininga ako. Hindi ko kasi mahindian ang request ng kapatid ko.

"Sige na nga" pagpayag ko sa gusto niya.

"Yehey! Magbibihis na ako!" napangiti na lang ako sa turan ng kapatid ko. Kanina pa niya ako kinukulit na sasama raw siya sa taping ko ngayon sa movie ko.

I checked my schedule at okay naman. Hindi naman namin ngayon isu-shoot iyong medyo SPG na scenes kaya pwede siyang sumama. Sa katunayan nga ay kasama ko sa shoot iyong co-star ko na child star sa kabilang network.

Inayos ko na iyong mga dadalhin ko. Naglagay din ako ng make-up para hindi masyadong mahalata ang pamamaga ng mata ko. Idadahilan ko na lang na kulang pa ako sa tulog.

Hindi ko dapat iniiyakan ang lalaking nagdulot ng matinding sakit sa akin pero kagabi ay hindi ko mapigilan. To the point na napanaginipan ko pa sila. Oo, sila ni Oli.

Obvious naman na mukhang masaya na si Gab sa buhay niya. Mukha namang mabait iyong bata. Good for him. Na-guilty pa nga ako sa sinabi ko kahapon. Siguro nadala lang ako nung bugso ng damdamin.

Masyadong malaki ang mundo, iyon na rin siguro ang first and last time na magkikita ulit kami kahapon. At kahit na schoolmates si Rancis at si Oli ay magkaibang department naman ang elementary at kindergarten.

Sabado ngayon at walang pasok si Rancis. Sinabihan ko siya na mag-stay na lang dito pero gusto niya raw lumabas ng bahay.

"Gertrude, are you ready?" narinig ko na ang boses ni Tin sa labas ng kwarto ko.

"Nandyan na" bago lumabas ng kwarto ay sinuot ko muna iyong shades ko.

Sabay na kaming lumabas ng bahay ni Tin. Pagpasok ko sa loob ng customized van ko ay naroon na rin si Lita at Rancis.

"Wow! Kasama pala itong kapatid mo Ged. Anong hangin ang umihip at naisipan nitong sumama?" tanong ni Lita sa akin.

Hindi naman sa ayaw kong sumasama ang kapatid ko, sa katunayan nga ay palagi siyang nag-iinsist na sumama kaso ako ang umaayaw. May mga times na hectic ang schedule ko kaya hindi ko naman siya mababantayan sa set.

Madalas ko siyang isama noong maliit-liit pa siya. Iyon din ang reason kung bakit close ang kapatid ko kay Tin, Lita, Kuya Flynn at Jerome. Pero nitong nagdaang taon ay hindi na siya nakakasama dahil gusto kong pagtuunan niya ng pansin ang studies niya. Lumalala na rin kasi iyong mga sumusunod sa aking mga paparazzi kaya nagdesisyon akong huwag na muna siyang isama sa mga shoots ko.

At least ngayon ay malaki-laki na siya. At naaawa din ako kapag iiwan ko siyang mag-isa sa bahay.

Habang nasa kotse ay panay ang tanong ni Lita sa kapatid ko.

"Kamusta iyong pag-sayaw mo ng Cariñosa sa school niyo? May video ka ba noon? Pwede patingin?" biro ni Lita kay Rancis.

"Hindi pwede! Si ate lang ang pwede manood noon!" sagot ni Rancis.

"Ay kapag wala ka saka ko papanoorin iyong video!"

"No!" Rancis looked at me "Huwag mo ipakita sa kanya" he pleaded.

"Nasa phone ni Yaya Joy mo" sabi ko pero ang totoo ay nasa phone ko.

Buong biyaheng kinukulit ni Lita at Tin ang bata. Nang makarating na kami sa set ay siya namang asikaso nila sa mga gamit ko. Ako naman ay hinawakan ang kamay ni Rancis para isama sa tent namin.

Please Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon